Header Ads

Priscilla Meirelles may pasaring sa asawang si John Estrada – “Looking very divorced” umano si John

  • Priscilla Meirelles may pasaring sa asawang si John Estrada
  • Ayon sa aktres ‘looking very divorced’ umano si John sa bagonbg larawan nito
  • Sa isang bagong Facebook LIVE ng beauty queen mayroon siyang nilinaw

Muling nagviral ang asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles ngayong araw, July 15, 2024, matapos nitong i-tag ang isang babae sa mismong post ng aktor.

Nagbahagi ng isang larawan si John sa kanyang Instagram account, kung saan isang netizen ang nagtanong kung sino nga ba ang kasama nito sa kasalukuyan, si Lena nga ba o si Marites na mga kapareha ng aktor sa seryeng FPJs Batang Quiapo.

Sa halip na si John ang sumagot, ang asawa ni John na si Priscilla ang sumagot sa tanong ng naturang netizen at ti-nag ang isang IG handle name na ‘Lily Hallman.’

Sa sumunod na komento, sinabi din ng beauty queen ang mga katagang “looking very divorced” na umano si John.

Samantala, sinundan naman ito ni Priscilla ng isang LIVE video ngayon ding araw, July 15, 2024.

Sa kanyang Facebook LIVE, binati ng aktres ang kanyang mga tagahanga. Inisa-isa niya ang mga nagkokomento sa kanyang LIVE hanggang sa may isang netizen na nagkomento ng mga katagang “Magdivorce nadyud mo ana ni Rigoorr?”

Napatawa naman si Priscilla sa nabasa at sinagot ito nang “Ah wala pang Divorse sa Pilipinas diba? Pano tayo?? joke lang..hahaha… ah…joke lang guys.”

Dito nga ay hindi na niya napigilan na magsabi ng kanyang saloobin na hindi naman sinabi kung para kanino ang hinihinging respeto.

“Anyways basta yong gusto ko sabihin.. konting respect lang diba, that’s not much to ask just respect..konti lang ei..diba ah.. I think that’s madali.just to respect people I think it’s a must, we need to respect each other, we need to respect people… Hindi ko talaga kaya yong mga taong walang respect kahit kanino, certain things we that need to respect is family, we need to respect asawa, tyaka mga anak diba..So, ‘yon lang sasabihin ko.. respeto lang yong hiling ko kahit kanino,” paliwanag ni Priscilla.

Si Priscilla ay kasalukuyang nasa Brazil, kung saan ito ay tumutuloy sa condo ng kanyang ina.


No comments

Powered by Blogger.