Header Ads

Diana Zubiri inamin na gumawa ng isang bagay noon kapalit ng isang bagong cellphone

  • Diana Zubiri inamin sa isang panayam na gumawa ng isang bagay noon kapalit ng isang bagong cellphone
  • Ibinahagi ng aktres ang ilang detalye ng kanyang pagiging sexy star noong unang bahagi ng dekada 2000

Nakapanayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang Youtube channel ang dating sexy star na si Diana Zubiri, kahapon, July 13, 2024.

Dito ibinahagi ng aktres ang ilang detalye hinggil sa kanyang pagiging sexy star noong unang bahagi ng dekada 2000.

Pagtatapat ni Diana kay Bernadette, nag-umpisa umano siya sa pag-aartista sa batang edad na 16. Nagdesisyon siyang sumabak sa paggawa ng mga sexy films para makatulong sa kanyang pamilya.

Ayon kay Diana, tatlong taon ang naging kontrata niya para gawin ang 10 pelikula.

Bukod dito, kinuha din siya na maging modelo ng FHM Philippines. Naging malaking kontrobersya noon ang ginawa niyang pagpose sa Mandaluyong fly-over habang suot ang 2-piece bikini.

Pag-amin ng aktres, napapayag umano siyang gawin ito dahil lamang sa kagustuhan na magkaroon ng isang mamahaling cellphone.

Ayon sa aktres, magaganda umano ang mga cellphone ng mga kapwa niya artista noon, samantalang siya ay Nokia 3310 lamang ang gamit.

Kaagad din na sinang-ayunan ng FHM ang hiling ni Diana na magkaroon ng bagong cellphone. Pagkatapos magpose sa fly-over, binilhan umano siya ng pamunuan ng FHM ng bagong cellphone na 6750. Ito umano ang cellphone na bagong labas noon at may kamahalan pa.


No comments

Powered by Blogger.