Header Ads

Angelica Panganiban sumailalim sa operasyon

Photos: The Homans YT
  • Angelica Panganiban isinugod sa ospital
  • Sumailalim ang aktres sa operasyon matapos dumanas ng matinding sakit sa balakang
  • Napag-alaman na bumagsak na pala ang kaliwang bahagi ng kanyang balakang

July 13, 2024 – Isang bagong video ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa Youtube Channel ng kanyang pamilya na “The Homans.”

Sa naturang video mapapanood ang naging kalagayan ng aktres nang siya ay isinugod sa St. Luke’s Hospital ng kanyang asawang si Gregg Homan.

Kwento ng aktres sa vlog, siya ay sumailalamin sa operasyon matapos mapag-alaman ng kanyang doktor na medyo bumabagsak na ang kaliwang bahagi ng kanyang balakang.

Ito ang sanhi ng dinanas niya na matinding sakit sa balakang bago isinugod sa ospital.

Mas nag-worse yung pain niya, pasakit lang siya ng pasakit, hanggang inabot na ako na last week, nagsusuka ako,” saad ng aktres.

“Nakita nung doctor yung x-ray ko, napansin niya na meron na ngang slight collapse yun left hip ko. Bumabagsak na yun kaliwa kong balakang,” paliwanag ni Angelica.

Naging matagumpay umano ang operasyon matapos ang pitong oras.

Kung matatandaan na-diagnose ang aktres ng “avascular necrosis” noong nakaraang taon 2023 pero ang sakit na ito ay naramdaman na niya noon pang taong 2022.


No comments

Powered by Blogger.