Header Ads

Manager ni Ivana Alawi nagsalita na hinggil sa tunay na dahilan ng pag-alis ng aktres sa FPJs Batang Quiapo

  • Manager ni Ivana Alawi nagsalita na hinggil sa isyung pag-alis ng aktres sa FPJs Batang Quiapo
  • Hindi umano totoo ang mga balita na tinanggal si Ivana sa serye dahil sa ugali nito
  • Paliwanag ng manager ng aktres, 3 buwan lang ang kontrata ni Ivana sa FPJs Batang Quiapo

July 8, 2024 nang ihayag ni Dj Jhaiho sa “Showbiz Sidelines” na nakausap umano nito ang manager ni Ivana bago ito umere sa kanyang programa.

Ayon kay Jhaiho, sinabi umano ng manager ni Ivana na si Perry Lansingan na bago tinanggap ng aktres ang alok sa FPJs Batang Quiapo, napagkasunduan na tatlong buwan lang ang ‘appearance’ nito sa show.

“From the very Start… three months lang dapat talaga ang kanyang pag ii-stay sa Batang Quiapo, three months ang kanilang napagkasunduan at um-okay si Ivana don,” sabi ni Jhaiho base sa mismong salita ng manager ni Ivana.

Dahil naging maganda ang naging takbo ng loveteam nina Tanggol at Bubbles sa Batang Quiapo, nagpatuloy ito hanggang sa nadagdagan ng maraming taping. 

Umabot na umano sa punto na hindi na kinaya ng schedule ng aktres. Bukod sa Batang Quiapo, mayroon pa umano itong ibang commitment tulad ng mga vlogs.

Nabanggit din ng nanager ni Ivana na nag-adjust na din ang aktres para sa ilang proyekto para lamang magampanan ang role nito sa Batang Quiapo.

Kahapon umano July 12, 2024, ang siyang last day ng taping ng aktres sa nasabing teleserye.

Sinabi din ni DJ Jhaiho na huwag maniniwala sa nagsabing masama ang ugali ni Ivana kaya ito matatanggal sa FPJs Batang Quiapo.


No comments

Powered by Blogger.