Header Ads

Isang 2-year old na bata pumanaw matapos iwanan ng ama sa loob ng sasakyan para maglaro ng playstation

  • Isang 2-year na bata sa Arizona pumanaw matapos iwanan ng ama sa loob ng sasakyan
  • Naglaro umano ng Playstation ang suspek at upang hindi maistorbo, iniwan ang anak sa loob ng sasakyan ng tatlong oras

Kaawa-awa ang sinapit ng 2 taong gulang na bata sa Arizona, USA.

Pumanaw si Parker Scholtes, 2, matapos iwanan ng sariling ama sa loob ng sasakyan ng tatlong oras.

Base sa ulat ng Mail Online, naglaro umano ng Playstation ang ama ni Parker na si Christopher at upang hindi maistorbo sa paglalaro, iniwan nito ang anak sa loob ng sasakyan.

Lumalabas na nakagawian na ni Christopher na iwanan ang tatlong anak sa loob ng sasakyan. Ito ay base sa dalawa pang anak ni Christopher na nakapanayam ng mga kapulisan.

Isang text message rin ang narekober ng mga otoridad mula sa asawang doktor ni Christopher kung saan pinagsabihan nito ang asawa na huwag iwanan ang mga anak sa loob ng sasakyan.

Paliwanag ng suspek, nasa 30 minuto niya lamang umano iniwan ang anak sa loob ng sasakyan.

Taliwas ito sa nakitang pangyayari mula sa CCTV footage ng kapitbahay.

Base sa footage, 12.53pm nagpark ng sasakyan si Christopher sa harapan ng kanilang bahay. Ito ay sa kaniitan ng araw na 109F at hindi na muli pang bumalik upang i-check ang anak sa loob ng sasakyan.

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Parker nang dumating ang ina nito mula sa trabaho bandang 4:16 ng hapon.

Sa ngayon nakalabas mula sa piitan ang suspek sa pakiusap ng asawa na hayaan silang pamilya na magluksa kasama si Christopher.


No comments

Powered by Blogger.