Pag-alala: Ang Buhay ni Charito Solis bago pumanaw sa edad na 62
- Sino nga ba si Charito Solis?
- Ano nga ba ang nangyari sa kanyang buhay at DAHILAN ng pagpanaw
- Bakit nga ba siya tinawag na Original Bomba Queen?
Ating balikan ang makulay na buhay ng aktres na si Charito Solis.
Si Charito Solis o Rosario Violeta Solis Hernandez sa tunay na buhay ay ipinanganak noong October 6, 1935 sa Lungsod ng Maynila sa Tondo.
Isang de-kalibreng aktres kung ituring si Charito noong nabubuhay pa dahil na rin sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa pelikula man o telebisyon.
Sa edad na 19, nakilala sa mundo ng pag-arte si Charito. Siya ay ipinakilala ng kanyang tiyuhin kay Doña Narcisa De Leon, ang noo’y nagpapalakad ng LVN Picture. Kaagad na pumatok sa takilya ang kanyang unang pelikula na “Niña Bonita” at ito rin ang naging simula ng kanyang pagsikat.
Higit sa 100 ang nagawa niyang pelikula sa ilalim ng LVN Pictures. Ilan sa mga ito ang “Charito, I Love you!” noong 1956, “Walang Sugat” noong 1957, “Malavarosa” noong 1958, “Kundiman ng Lahi” noong 1959 at “Emily” noong 1960.
Madalas siyang mapabilang sa mga pelikulang labis na hinangaan ng mga kritiko sa mga pelikulang Pilipino. Pinagbidahan din niya ang sikat na adaptation movie ng nobela ni Rizal na El Filibusterismo na idinirek ni Gerardo De Leon.
Dumating naman sa punto na nalipat na siya ng “Nepomoceno Production” mula 1967 hanggang 1971 kung saan, isa sa walong nagawa niyang pelikula rito na “Dahil sa Isang Bulaklak” ang naging daan para gawaran siya ng Asian Best Actress Award sa Asian Film Festival na ginanap sa Tokyo, Japan noong 1967.
Maswerteng napabilang din ang nasabing pelikula bilang kalahok sa kategoryang Best Foreign Film ngunit hindi na ito nanalo. Nang matapos ang kanyang kontrata sa Nepomuceno Production, gumawa pa siya ng maraming pelikula tulad ng “Shake Rattle and Roll,” “Hubad sa Mundo” at marami pang iba.
Dahil naman sa proyektong “Shaka,” isang pelikulang inilabas sa bansang Hapon ang lubos na hinangaan ng marami. Dito siya ay itinuring na kauna-unahang aktres na nagbida sa isang international movie. Ang pelikulang ito ay patungkol sa tunay na buhay ni Shakyamuni Buddha.
Kasunod nito, muli siyang lumabas sa Japanese movie na “Princess and I” na ipinalabas sa Lyric Theater sa Escolta noong 1962.
Si Charito naman ang kauna-unahang pinay actress na nagpakita ng dibidb sa pelikulang “Igorota” at nagawaran siya ng Best Actres sa FAMAS noong 1968. Limang FAMAS award ang napanalunan ni Charito kaya naman napabilang siya sa FAMAS HALL OF FAME.
Nagkaroon din siya ng mga parangal sa Gawad Urian bilang Best Supporting Actress, Best Supporting Actress sa Film Academy of the Philippines (FAP), Best Actress sa Metro Manila Film Festival noong 1975. Siya rin ang kauna-unahang artist na tumanggap ng “Rock Trophy” sa Catholic Mass Media Award noong 1983.
Naipamalas din ni Charito ang kanyang talento sa telebisyon nang magkaroon siya ng weekly TV show sa ABS-CBN na may titulong “The Charito Solis Show” noong 1966 hanggang 1968. Taong 1973 naman nang magkaroon siya ng isang drama show na pinamagatang “Obra Maestra” sa RPN channel 9.
Pumatok din sa publiko ang kanyang karakter noong dekada 80 bilang si Ina Magenta na isang engkantada sa TV sitcom na “Okay ka Fairy ko.”
Labis na kinagiliwan ang mga karakter ni Enteng Kabisote na ginampanan ni Vic Sotto sa kanyang pakikipag away sa kanyang biyenan na si Ina Magenta na ina ng karakter ni Faye na ginampanan naman ni Alice Dixon.
Tumagal ng siyam na taon ang sitcom na ito hanggang sa pumanaw si Charito. Bago mamaalam si Charito, napasama pa ito sa TV drama na “Mula sa Puso” at “The Maricel Drama Special.”
Sa edad na 62, pumanaw ang aktres noong January 9, 1998 sa Calamba Laguna.
Ayon sa ulat , nasa Laguna Hot Spring Resort ang aktres para magpabautismo bilang isang Born Again-Christian. Siya ay nasa kanyang kwarto nang dumanas umano ito ng paninikip ng dibdib. Idineklarang patay ang aktres sa Calamba Medical Center dahil sa atake sa puso.
No comments