Header Ads

Anyo Yllana may nilinaw hinggil sa hidwaan nila noong ng Padilla brothers

  • Anjo Yllana nagsalita na hinggil sa naging alitan nila noon ng ‘Padilla brothers’
  • Ayon sa komedyante tanging si Royette lamang ang sumugod sa kanilang bahay

July 16, 2024 nang makapanayam ni Morly Alinio sa kanyang Youtube channel ang sikat na komedyanteng si Anjo Yllana.

Sa nasabing panayam, isa sa mga napag-usapan ang hinggil sa naging hidwaan nila noon ng Padilla brothers.

Kung matatandaan, naging usap-usapan noon sa showbiz ang hinggil sa diumano’y pagsugod ng ‘Padilla brothers’ sa bahay ng mga Yllana. Base sa mga lumabas na ulat, nag-ugat umano ito sa biro ni Anjo hinggil sa pagkalalaki ni Rustom Padilla.

Si Anjo ay isa sa mga cast ng sitcom na ‘Palibhasa Lalaki’ na ipinalabas noong dekada 90, at dahil sa comedy ang nasabing sitcom, napag-utusan umano ang aktor na kanilang script writer na nagngangalang Boyong na sabihing “bakla” si Rustom bilang bahagi ng pagpapatawa.

Kaagad na nalaman ni Rustom ang hinggil rito hanggang sa nakarating na rin sa ‘Padilla brothers.’

Taliwas sa mga lumabas na balita, hindi lahat ng Padilla brothers ang sumugod sa bahay ng mga Yllana.

Sa nasabing panayam, tanging si Royette lamang ang binanggit ni Anjo na sumugod sa kanilang bahay.

Ayon sa aktor, naintindihan niya ang naging aksyon ng yumaong si Royette. Nasaktan umano ito sa naging biro niya ukol sa kapatid na si Rustom.

Malaking leksyon naman ang natutunan ng aktor mula sa pangyayari. Simula noon, naging maingat na umano siya sa pagbibiro lalo na kung makakasakit sa damdamin ng iba.

Samantala, nilinaw din ni Anjo na nagkaayos na sila ng mga Padilla brothers.

Sa isang hiwalay na panayam, binanggit ni Anjo na napatawad na siya ni Robin at kinalimutan na ang nangyari sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa katunayan, naging mainit umano ang pagtanggap sa kanya ng senador nang sila ay nagkita sa senado.

Narito ang buong panayam para sa iba pang detalye.


No comments

Powered by Blogger.