Header Ads

Kuya Wil binatikos ng ilang netizens matapos ipahiya ang isang staff habang umere ang programa

Photo: Will to Win
  • Hindi napigilan ni Willie na pagalitan ang isang floor director na dumaan sa harap ng camera
  • Pinuna ng ilang netizens si Willie matapos pagalitan ang isang staff habang umeere ang show na “Will to Win”

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang pamamahiya ng host na si Willie Revillame sa isang staff ng kanyang programa na ‘Will to Win.’

Tinalakan ni Wil ang isang floor director matapos dumaan sa harap ng camera.

Tila hindi napigilan ni Wil ang sarili at kaagad na pinagsalitaan ang naturang staff habang umeere ang programa.

Ayon kay Wil, “naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? ‘Yan po ang problema kapag hindi alam ang ginagawa sa show, ako lahat ang nananagot.”

“Tapos sasabihin niyo mayabang na naman ‘yan. Binabash niyo ako, kasi pinapaganda ko ang programa,” ayon kay Wil.

“Ako ang nagiging kawawa at arogante dito sa show na ‘to. Makikita niyo pati music. Maawa kayo sa akin, lahat ako nag-iisip para sa inyo,” saad pa ni Wil.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang ito ni Wil. Hindi umano maganda na pagalitan ang sinuman sa kanyang mga staff habang naka-LIVE ang programa.

Ayon sa mga netizens, mas maganda siguro kung pinagsabihan ni Wil ang staff habang nasa commercial break.


No comments

Powered by Blogger.