Header Ads

Miss Eva Darren inamin na umiyak matapos mapahiya sa FAMAS Awards 2024 – Emosyonal habang ibinabahagi ang karanasan

  • Beteranang aktres na si Miss Eva Darren emosyonal habang binabalikan ang mga pangyayari sa FAMAS Awards 2024
  • Inamin ng aktres na siya ay umiyak dahil sa sama ng loob
  • Lubha umanong napahiya ang aktres bunsod ng pangyayari dahil marami ang nag-abang na siya ay mapanood sa nasabing awards night

July 26, 2024- Nakapanayam ni Aster Amoyo ang beteranang aktres na si Miss Eva Darren sa Youtube channel nito na TicTalk with Aster Amoyo.

Sa nasabing panayam, napag-usapan ang isyu hinggil sa FAMAS Awards 2024 na kinasangkutan ng batikang aktres.

Hindi naiwasan ni Miss Darren ang maging emosyonal habang binabalikan ang mga pangyayari noong gabi ng FAMAS Awards, May 26, 2024. Pag-amin ng aktres, napahiya umano siya dahil sa pangyayari.

Marami daw ang nakakaalam na siya ay isa sa mga presentor ng gabing iyon pero sa huli, hindi siya hinayaang umakyat ng entablado upang gampanan ang iniatas sa kanya.

‘Masakit talaga, napahiya ako,” emoosyonal na saad ng aktres.

Kwento ni Miss Darren, nakaupo umano sila sa harapan ng entablado kasama ang kanyang tatlong apo. Nakikita umano sila ng mga staff at floor director at dinaan-daanan lang. Maya-maya pa, nakita niya si Tirso Cruz III kasama ang isang singer na naghahanda na papuntang entablado.

Nang marinig niya ang script na binabanggit na singer na partner ni Tirso, nagdesisyon na siyang magpaalam sa kapwa beteranang aktres na si Divina Valencia at kaagad na umuwi.

Ayon kay Miss Darren napaiyak umano siya pagdating sa kanilang bahay dahil sa sama ng loob.

Tanong ni Aster, “umiyak ka ba?”

Kaagad itong sinagot ni Miss Darren ng mga katagang, “Oo, sa bahay.”

“Ewan ko, nanginig talaga ako… ‘yun lang napahiya ako eh.

“Marami ang tumatawag, hindi ko sinasagot dahil hindi ko alam kung ano ang i-explain ko. Masama pa ang loob ko, masakit… at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong malaman kung sino ang sisisihin ko at nagkaganun.

Panoorin ang buong panayam.


No comments

Powered by Blogger.