Header Ads

Balik-tanaw: Ang buhay at pagpanaw ni Stella Strada sa edad na 19

  • Dating sexy star na si Stella Strada maagang pumanaw sa edad na 19
  • Base sa imbestigasyon, tinapos umano ni Stella ang sariling buhay
  • Miss CeliaRodriguez, nagsalita hinggil sa buhay ni Stella na noon ay dumanas diumano ng pang-aabuso mula sa isang direktor

Si Stella Strada o Suzette Bishop sa totoong buhay ay isa sa mga kilalang sexy stars noong dekada 80. Sumabak si Stella sa paggawa ng sexy films sa edad na 17.

Siya ay nadiskubre ng producer ng Seiko Films na si Robbie Tan. Ilan sa mga nagawang pelikula ng dating sexy star ay ang ‘Kirot’ noong 1983 at ‘Hanguin Mo Ako sa Putik’ ng pareho ring taon.

Nakasama naman ni Stella ang batikang aktres na Si Celia Rodriguez sa proyektong may pamagat na ‘Angkinin Mo Ako’ na ipinalabas noong taong 1983. Si Miss Celia ang gumanap dito bilang ina ng sexy star.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Miss Celia, napag-alaman na naging malapit siya sa dating sexy star dahil isang buwan umanong tumagal ang shooting nila para sa nasabing pelikula. Dito ibinunyag ni Miss Celia ang matagal nang kinikimkim na galit sa isang direktor na ‘diumano’y’ nang-abuso kay Stella.

Kwento ni Miss Celia, maraming mga scenes na ipinagawa kay Stella na kanyang tinutulan. Ilang beses niya umanong nakaaway ang direktor ng nasabing pelikula dahil sa mga pang-aabuso sa baguhang artista noon na si Stella.

Sa isang bahagi ng panayam, binanggit ni Miss Celia na nalulong si Stella sa ipinagbabawal na gamot bago pa man ito sumabak sa showbiz. Ganun pa man, naging maayos na umano ito matapos magparehab.

Ito ay taliwas sa sinabi ni Mr. Robbie Tan sa isang hiwalay na panayam. Ayon kay Mr. tan, bagaman pinagbabawalan niya ang aktres sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot nagtuloy-tuloy pa rin umano ito sa bisyo.

Noong 28 December 1984, front page sa mga pahayagan ang biglaang pagpanaw ng sexy star.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, tinapos umano ng aktres ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti. Napag-alaman rin na kasabay niyang pumanaw ang kanyang gay assistant sa parehong pamamaraan.

Nang malaman ni Miss Celia ang balitang ito, mas lalo siyang nahabag kay Stella.

Panoorin ang ilang detalye hinggil sa buhay ni Stella Strada base sa pagkakakilala ni Miss Celia Rodriguez.


No comments

Powered by Blogger.