Nagsalita na ang kampo ni Rico Yan hinggil sa mga fans na ginawang tourist spot ang puntod ng yumaong aktor
- Pamilya ni Rico Yan nagsalita na hinggil sa pagtrending ng yumaong aktor
- Ayon kay Bobby Yan, hindi nila pagbabawalan ang sinumang nais dumalaw sa puntod ng kapatid
- Hindi umano ito ang unang beses na may dumadalaw sa kapatid
- Sa katunayan, mula taong 2002 patuloy na may dumadalaw sa puntod ng aktor na ang iba ay nagmula pa si ibang bansa
Trending sa social media ang mga content ng ilang netizens na pagbisita sa puntod ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Marami ang bumatikos sa mga ganitong klaseng content dahil tila ginagamit pa taong namayapa na para lamang sa sariling kapakanan. May ilan kasi na tila ginagawan pa ng maling istorya para lamang makakuha ng maraming reaksyon sa social media.
Kasunod ng pagtrending ng usaping ito, naglabas na ng pahayag ang kampo ng ‘Pamilya Yan.’
Inalam ng ABS CBN News ang reaksyon ng mismong pamilya ng yumaong aktor hinggil sa bagong trend na ito sa Tiktok na kinatampukan ni Rico.
Ayon kay Bobby Yan, nakatatandang kapatid ni Rico, welcome ang sinumang gustong dumalaw sa puntod ng kanyang kapatid.
Hindi lamang umano ngayon nangyari ang ganito dahil mula pa noong 2002, patuloy na may dumadalaw sa puntod ni Rico.
Sa ngayon, wala silang pagbabawalan dahil base sa nangangalaga ng puntod hindi naman nakakagambala ang mga dumarayo para magpapicture.
“We welcome po anyone from anywhere. We have visitors from abroad visit Rico’s tomb and there are visitors weekly since 22 years ago,” saad ni Bobby.
Kung matatandaan, pumanaw ang sikat na matinee idol na si Rico Yan noong March 29, 2002 sa edad na 27. Maraming fans ang tila hindi pa rin maka-move on sa pagpanaw ng kanilang idolo magpahanggang sa ngayon.
No comments