Header Ads

Isang kadete nasawi dahil lamang sa thumbs-up

  • Isang kadete pumanaw nang dahil lamang sa ‘thumbs up’
  • Pinarusahan umano ang kadeteng si Andrew Delos Reyes matapos na sagutin ng thumbs up sign ang isa pang kadete

Isang kadete pumanaw matapos parusahan bunsod ng ‘thumbs up sign’ na isinagot ng biktima sa suspek.

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa 24 Oras, July 8, 2024, nang pumanaw ang kadeteng si Vince Andrew Delos Reyes, 19 taong gulang na tubong Baco, Oriental, Mindoro at nag aaral sa Maritime Academy sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, matapos umano maghapunan ni Delos Reyes ay ipinatawag ito ng isa pang kadete na mas nakakataas sa kanya at pinag-ehersisyo dahil meron daw umano itong nagawang kasalanan.

Pagdating ng biktima sa cabin ng suspek, pinag-ehersisyo ito bilang parusa, ngunit sa kalagitnaan ng parusa nagreklamo si Delos Reyes na nahihirapan itong huminga. Maya-maya pa, ito ay bigla na lamang nag-collapse.

Isinugod ng mga kasamang cadet si Delos Reyes sa Global Care Medical Center sa Canlubang kung saan ito ideneklarang dead on arrival bandang 6:49 ng gabi.

Nang tanungin ang mga kaklase ni Delos Reyes kung anong naging kasalanan ng biktima para ito ay parusahan.

Ayon sa isang kaklase, posible umano na ang pagsagot si Delos Reyes ng “thumbs up sign” sa group chat ang naka-offend sa superior.

Yung ‘pag thumbs up maybe hindi nagustuhan ng senior class. Thumbs up instead of answering ng formal na okay,” sagot ng opisyal.

Kaagad namang dinakip ng pulisya ang nasabing senior officer at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Hindi naman kumbinsido ang ina ng biktima sa walang foul play sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ayon pa sa ina ng biktima, wala umanong problema sa kalusugan ang kanyang anak base na din sa medical test nito.


No comments

Powered by Blogger.