Header Ads

Isang anak naglabas ng hinanaing sa babaeng nagpost na ibinulsa ng kanyang ama ang Php13 na pamasaheng iniabot para sa driver

  • Nasaktan ang isang netizen na nagngangalang Hannah nang makita ang post ng isang babae tungkol sa kanyang ama
  • Pinagbintangan umano ang kanyang ama na ibinulsa ang pamasaheng dapat iniabot sa driver

Anak na kakagraduate lamang bilang cum laude, may panawagan sa babaeng nagpost na binulsa umano ng kanyang ama ang inabot na pamasahe sa jeepney driver.

Nagpost ng hinanaing sa social media ang bagong graduate na si Hannah Clarrise Diego noong July 10, 2024.

Ito ay bilang panawagan sa isang babae na nagngangalang Faith Jeliezl Delima na nagpost sa Facebook account nito at pinagbintangan ang kanyang ama na diumano ibinulsa ang iniabot niyang bayad para sa driver.

Good day po baka po makasakay nyo ulit sila, nag abot po ako ng bayad pero hindi binayad ni kuyang naka white ay naku kuya 13 pesos lang binulsa mo pa kinakawawa  mo naman driver nyan,” post ng babae sa jeep (Faith Delima).

Nasaktan si Hannah sa nakitang post na ito at pamamahiya sa kanyang ama.

Ayon kay Hannah, siguro dahil sa saya nila at excited umano dahil sa pupuntahang graduation, hindi na nila namalayan o nawalan na sila ng pakialam sa nangyayari sa paligid.

Ganun pa man, hindi niya umano papalampasin ang ginawang pagpost ni Faith sa kanyang ama dahil ito umano ay malaking kasiraan sa kanilang pamilya at ayaw niya din na mahusgahan ang kanyang ama dahil lang sa maliit na halaga.

Kaya naman ay nanawagan din si Hannah kung sino man ang nakakakilala kay Faith ay ipagbigay alam sa kanila ang kinaroonan nito para makapag usap sila sa barangay.


No comments

Powered by Blogger.