Header Ads

Rudy Baldwin may nakapangingilabot na pangitain sa bansang China

  • Rudy Baldwin may nakakakilabot na pangitain sa bansang China
  • Marami umanong sakuna na tatama sa naturang bansa
  • Nakita niya rin umano na isa ang bansang Pilipinas sa mga magpapaabot ng tulong sa China

Sa modernong panahon ngayon, ilan na lamang ang naniniwala sa hula. Lumilikha lamang ito ng takot at kaguluhan sa isang lipunan kung paniniwalaan.

Sa mundo nang panghuhula, kilala ang pangalan ni Rudy Baldwin lalo na sa social media. Karamihan sa mga prediksyon ni Baldwin ay gumawa ng ingay sa iba’t ibang platform sa social media.

May ilang nagsasabi na karamihan  sa kanyang mga hula ay totoong nangyayari. Samantalang may ilan din ang hindi naniniwala at sinasabing nagkataon lamang. Sa laki umano ng mundo, may mga pangyayari na tutugma sa kanyang hula.

Sa kanyang bagong prediksyon, nakaramdam ang ilang netizens ng takot at pangamba dahil sa kalunos-lunos na sasapitin umano ng bansang China. Ayon sa kanyang Facebook post noong Huwebes, Hulyo 11, pinaalalahanan niya ang publiko na manatiling mahinahon at huwag isipin na pananakot lang ang kanyang intensiyon at tanging Diyos pa rin ang may kontrol sa pwedeng mangyari sa atin.

Pinatungkulan ng prediksyon ni Baldwin ang bansang China kung saan makararanas umano ito ng sakuna sa mga darating na panahon. Ayon pa sa kanya, ilan sa mga posibleng mangyari ang pagkakaroon tsunami sa isang bahagi ng bansa. Magkakaroon din umano ng isang sinkhole sa lupa o sa dagat man.

Bukod dito, binanggit din ni Baldwin na magkakaroon din ng pagguho ng gusali kung saan marami ang masasawi, pagsabog ng bulkan, at pagkakaroon ng tatlong lindol at isang tatama rito ay masasabing pinakamalakas.

Sa pagtama ng mga kalamidad na ito ay umiiral pa rin ang mga pagtutulungan, at sa prediksyon ni Baldwin, papangunahan pa ng Pilipinas ang pagtulong sa China sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa patungkol sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Dagdag paalala pa ni Baldwin na lahat ng mga ito ay hindi pa nangyari at mangyayari pa lamang kaya naman huwag daw kalimutan ang manalangin sa Maykapal.


No comments

Powered by Blogger.