Header Ads

Nakaburol na ang 11 katao na sakay ng pick-up na namatay sa nangyaring banggaan sa Cagayan

Photo: Cagayan Police Provincial Office, Inquirer
  • Nakaburol na ang mga labi ng 11 na magkakamag-anak na pumanaw matapos sumalpok ang sinasakyan pickup sa isang pampasaherong bus
  • Iniulat na galing pa umano sa lamay ang grupo bago nangyari ang aksidente

July 11, 2024 nang ireport ng 24 oras ang pagkasawi ng 11 katao na galing sa lamay na sakay ng isang pickup matapos makabanggaan ang pampapasaherong bus sa Cagayan.

Sa tindi nang pagkakasalpok, ang mga katawan ng mga sakay ay tumilapon at nagkalat sa kalsada. Ito ang dahilan ng kaagad na pagkasawi ng 11 katao kasama ang dalawang bata.

Ligtas naman ang driver ng pickup at isang dalagitang sakay nito.

Kahapon, July 12, 2024, nakaburol na ang mga labi ng 11 magkakamag-anak.

Batay sa talaan ng PNP Abulug, kabilang sa mga nasawi ang mag-amang sina Rodolfo Time Sr. at Rodolfo Time Jr., ang magkapatid na sina Evelyn Time at Christina Jane Time, kasama ang kanilang mga kaanak na sina Mary Jane Time, Lovely Time, Crishia Shane Time, Kimberly Mangupag-Time, Rodelyn Time, at Angel Time.

Samantala, inilabas na rin ang CCTV footage kung saan makikita ang buong pangyayaring sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.


No comments

Powered by Blogger.