Header Ads

Yuki Takahashi ipinaliwanag ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa siya nanganganak sa seryeng FPJs Batang Quiapo

Photos: Yuki Takahashi IG, FPJs Batang Quiapo
  • Yuki Takahashi nagsalita na hinggil sa role ni Camille sa FPJs Batang Quiapo
  • Ipinaliwanag ng aktres kung bakit hindi pa nanganganak ang karakter ni Camille sa serye

Eksklusibong nakapanayam ni Ogie Diaz si Yuki Takahashi sa Youtube channel nito kahapon, July 22, 2024.

Isa sa mga nilinaw ni Ogie kay Yuki ay hinggil sa pinag-uusapang serye na FPJs Batang Quiapo. Ginagampanan ni Yuki sa naturang serye ang karakter ni Camille, asawa ni David na ginagampanan naman ni Mccoy De Leon.

Napansin ng mga netizens na tila lampas na sa isang taong buntis sa Camille sa serye pero hindi pa rin ito nanganganak hanggang sa ngayon. Naabutan na umano siya ni Lena (Mercede Cabral) na nagbuntis rin.

Puna ng netizens, tila nakalimutan umano ni Direk Coco ang karakter ni Camille. Napabayaan, kaya magpahanggang sa ngayon hindi pa ito nanganganak.

Ayon kay Yuki, 40 days pa lang umano siyang buntis sa FPJs Batang Quiapo.

“Alam niyo po ba. 40 days pa lang yung tiyan ko sa story. 40 days pa lang po yung buhay namin,” saad ni Yuki.

Ang lumalabas iba ang mundo sa serye kumpara sa totoong buhay. Ito rin ang paliwanag ng mismong Facebook page ni Coco Martin noong nakaraang buwan nang muling magviral ang hinggil sa pagbubuntis ni Camille.

“Natatawa na lang po ako kasi every time na makita po nila ako kahit saan, ‘yun po talaga ‘yung tanong. Pero of course, hindi ko po talaga alam kung kailan po talaga ako manganganak, “ayon kay Camille.

Sinasabi ko nalang po, siguro kapag nakakapaglakad na ‘yung bata, ‘dun ko nalang ilalabas para tipid.

Nilakihan na nga nila kasi nirereklamo na sila. Nirereklamo sila na parang hindi naman daw ako buntis, so ang ginawa nalang nina direk, nilakihan na lang para at least makita yung image na buntis si Camille.”


No comments

Powered by Blogger.