Header Ads

Herlene Budol personal na nagpasalamat kay Barbie Forteza dahil sa pagtulong nito noong siya ay nadapa sa GMA Gala 2024

  • Herlene Budol personal na nagpasalamat kay Barbie Forteza
  • Ito ay kaugnay sa nangyaring pagkakadapa ng beauty queen actress sa GMA Gala 2024

Personal na nagpasalamat ang beauty queen actress na si Herlene Budol kay Barbie Forteza.

Ito ay kaugnay ng ginawang pagtulong ng Kapuso Primetime Princess nang madapa si Herlene habang rumarampa sa GMA Gala 2024.

Isang bagong video ang ibinahagi ni Herlene sa kanyang Instagram account ngayong araw, July 23, 2024. Mapapanood dito kung paano pinuntahan ng beauty queen si Barbie sa dressing room nito at personal na nagpasalamat.

Ayon kay Herlene, sa trending video niya lamang umano nalaman na si Barbie ang isa sa mga umalalay sa kanya matapos madapa sa GMA Gala. Hindi na umano siya nakalingon at nakapagpasalamat sa mga tumulong sa kanya.

Kaya naman, minabuti ni Herlene na pasalamatan ng personal ang aktres. Sila ay nagtagpo sa mismong dressing room ni Barbie at kaagad na nagyakapan.

Sa video, malinaw na sinabi ni Herlene kay Barbie ang mga katagang “Actually, Ate, noong nadapa ako, hindi ko napansin kung sino ‘yung mga tumulong. Nakita ko na lang, ‘yung sa video.”

Sumagot naman ang Kapuso Primetime Princess ng mga katagang “Walang problema, walang anuman.”

Dagdag pa ni Barbie, Basta okay ka, ‘yun ang importante.”


No comments

Powered by Blogger.