Header Ads

Aktor na si Michael De Mesa hindi pa nakakauwi mula kahapon – stranded sa daan ng 17 hours

  • Aktor na si Michael De Mesa stranded ng 17 oras
  • Pagbabahagi ng aktor, kahapon siya umalis mula sa taping pero hanggang ngayon hindi pa siya nakakauwi

Naiiyak ang aktor na si Michael De Mesa sa pagnanais na makauwi na sa kanilang bahay.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng beteranong aktor ang dalawang larawan kuha habang siya ay ‘stuck’ sa mahabang traffic.

Pagbubunyag ni Michael, 17 oras na umano siyang stranded simula kahapon galing sa taping. Sa kasalukuyan, naipit pa siya sa trapiko at hindi pa makalabas.

Naiiyak na umano siya at nagsisimulang magkaroon ng anxiety bunsod ng nararanasan. Nais niya na umanong makauwi.

Ayon sa aktor, “Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home.”

Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pag-aalala sa beteranong aktor kabilang na ang ilang mga kapwa niya celebrities.

Maraming residente sa Cainta, Rizal, Cavite, Batangas, Baco, Oriental Mindoro at ilang bahagi ng Metro Manila ang pinakanaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Carina kahapon, July 24, 2024.


No comments

Powered by Blogger.