Header Ads

Mga celebrity reservist na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

  • Ilang mga celebrity reservist sinuong ang ulan at baha upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina
  • Pinusuan ng maraming netizens ang naging hakbang ng mga naturang reservist

Malaki ang pinsalang idinulot ng bagyong Carina sa ilang bahagi ng Pilipinas simula kahapon, July 2024.

Bukod sa mga opisyal sa gobyerno, may ilan ring celebrity reservist ang personal na tumungo at sinuong ang ulan at baha upang makapagligtas ng buhay na na-stranded dulot ng nasabing super typhoon.

1. Gerald Anderson

Isa sa mga hinangaan ng maraming netizens ay ang aktor na si Gerald Anderson, kung saan siya ang mismong tumungo sa isang bahay na lubog sa baha sa Quezon City. Tinulungan ng aktor ang isang pamilya na hindi makalikas.

Sa isang video, mapapanood si Gerald na basang-basa habang hinihikayat ang isang bata na lumapit sa kanya upang buhatin at dalhin sa ligtas na lugar. Pinusuan ng maraming netizens ang naging hakbang na ito ng aktor at tumanggap ng mga papuri.

2. Ronnie Liang

Ang singer-actor na si Ronnie Liang ay isa rin sa mga reservist na sumuong sa baha upang magbigay ng rescue sa mga stranded na residente sa Quezon City.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ronnie ang video kung saan makikita siya kasama ang rescue operation team papunta sa Barangay Roxas, Quezon City.

Sa caption ng video, mababasa ang mga katagang “Joining the rescue operations for the victims of the flood caused by Typhoon Carina at Barangay Roxas, Quezon City. Reporting for duty as a reservist of the Philippine Army together with the other troops of the 1302 Ready Reserve Battalion, Reserve Command, Philippine Army.”

3. David Chua

Ang aktor na si David Chua ay isa ring PAF reservist. Isa siya sa mga namataan na personal na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina. Ilang mga videos at larawan ang ibinahagi ni David sa kanyang Instagram account kung saan makikita siya kasama ng iba pang volunteer na naghahatid ng tulong para sa mga taong sinalanta ng bagyo.


No comments

Powered by Blogger.