Header Ads

Gretchen Barretto, 54, masayang ipinakita ang magandang epekto ng treatment sa kanyang mukha – May ipinapaayos pa kay Dr. Aivee

  • Pinasalamatan ng dating aktres na si Gretchen Barretto ang kanyang doctor na si Dr. Aivee dahil maganda umano ang treatment na ginawa nito sa kanyang mukha
  • Netizens nagpahayag ng positibong komento

Gretchen Barretto muling nakita ng kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang bagong video na ibinahagi ni Dr. Aivee sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing video, mababatid na tuwang-tuwa si Gretchen sa epekto ng treatment na ginawa ni Dr. Aivee dahil nagmukha umano siyang bata.

Sa tuwing siya daw ay gumigising sa umaga, nakikita niya ang kanyang mukha na nagkaroon muli ng definition.

Ayon kay Gretchen, may bago umano siyang ipapagawa kay Dr. Aivee at ito ay ang kanyang mga eyebags.

Sa huling bahagi ng video, mapapansin naman ang masayang reaksyon ni Greta nang siya ay ihalintulad sa sikat na fashion influencer na si Heart Evangelista.

Samantala, marami naman ang humanga sa ‘beauty’ ni Gretchen. Napakaganda umano ng dating aktres at hindi mahahalata na ito ay nasa edad 54 na.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Marami ang mag aagree na ikaw ang humawak ng May pinakamagandang mukha sa showbizness ng ilang decada”

“La greta the most beautiful woman in showbiz”

Doctora huwag mo nmang masyado pabatain SI Greta at mukha na akong nanay ni Greta lol kakasura eeehhh parang paatras sya pabata ng pabata


No comments

Powered by Blogger.