Header Ads

Jennylyn Mercado ibabalik ang Startruck: Nanawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Carina

  • Aktres na si Jennylyn Mercado naglunsad ng fundraising para sa mga nasalanta ng bagyong Carina
  • Ibabalik ang Startruck upang magbahagi ng tulong sa mga apektadong komunidad dulot ng nasabing super typhoon

Aktres na si Jennylyn Mercado muling ibabalik ang Startruck upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Ang Startruck ay sinimulan ni Jennylyn kasama si Dennis Trillo nang hagupitin ng bagyong si Ulysses ang Cagayan noong taong 2020.

Ngayong araw, July 25, 2024, inanunsyo ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na ibabalik nila ni Dennis ang Startruck. Ito ay upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Bunsod nito, siya ay naglunsad ng fundraising para sa mga nais magbigay ng tulong.

Lahat umano ng halagang malilikom ay gagamitin para sa mga komunidad na nasaapektuhan ng super typhoon Carina.

Ayon sa aktres, “Muli naming ibinabalik ang @startruck.ph para maging daan sa pagpapaabot ng inyong mga tulong. We are now opening our lines for cash donations.

“Lahat po ng malilikom ay gagamitin para matulungan ang communities na nasalanta ng super typhoon Carina. Magtulong-tulong po tayong muli para sa ating mga kababayan.”


No comments

Powered by Blogger.