Header Ads

Senator Imee Marcos dinepensahan ni Vice President Sara Duterte na wala sa Pilipinas habang nananalasa ang bagyong Carina

  • Senator Imee Marcos dinepensahan si Vice President Sara Duterte na wala sa Pilipinas habang nanalasa ang bagyong Carina
  • Ayon kay Senator Imee, hindi alam ni VP Sara na may bagyong paparating bago umalis ng bansa

Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Vice President Sara Duterte dahil wala ito sa Pilipinas nang manalasa ang super typhoon Carina.

Si Vice President Sara Duterte ay lumipad papuntang Germany kasama ang kanyang pamilya nitong Miyekules, Hulyo 24.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pagsuporta si Senator Imee Marcos para sa Pangalawang Pangulo sa gitna ng pambabatikos na natatanggap nito mula sa ilan.

Sa panayam ng ABS CBN News, sinabi ni Senator Imee na matagal nang plano ni VP Sara ang naturang byahe papuntang Germany. Hindi umano nito alam na magkakaroon ng bagyo sa Pilipinas.

“Hindi naman niya alam na may bagyo, pambihira naman,” saad ni Senator Imee.

Ipinaliwanag rin ni Senator Imee na kahit wala ang Pangalawang Pangulo sa Pilipinas nang manalasa ang naturang bagyo, hindi naman ito nagpabaya. Sa katunayan, ito pa umano ang unang umaksyon para makatulong sa mga nasalanta.

Ayon mismo kay Senator Imee, “At nakita naman natin na ang unang umaksyon ay ang OVP. Sa totoo lang nakakalat na yung mga nakapreposition na pagkain, mga gamot, mga damit… ikinalat na sa iba’t ibang lugar at palagay ko talagang nakatutok naman sila.”


No comments

Powered by Blogger.