Header Ads

90s sexy star na si Alma Soriano – Then and Now

  • Sino nga ba si Alma Soriano?
  • Ano ang nangyari sa kanyang buhay noon at ngayon?
  • Totoo nga ba na siya ay mula sa pamilya ng mangkukulam?

Si Alma Soriano ay nakilala noong dekada 90 bilang isang sexy star.

Sa panayam ni Morly Alinio na mapapanood sa Youtube, ibinahagi ng dating sexy star ang ilang detalye hinggil sa kanyang buhay noon at ngayon.

Ayon kay Alma, nagtatrabaho siya noon bilang isang modelo nang mahikayat ng isang kaibigan na mag-artista. Sa kagustuhan na kumita ng sariling pera, siya ay pumayag gumanap bilang isang sexy star.

Sa pananatili niya sa showbiz, nakagawa siya ng higit sa 40 pelikula, kung saan 30 sa mga ito ay kanyang pinagbidahan. Nakasama niya sa mga proyekto ang mga kilalang aktor noon tulad na lang nina Gino Antonio, Leandro Baldemor at maging ang action star na si Jestoni Alarcon.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Alma ay ang “Perlas sa Ilalim ng Dagat,” “Mga Mata sa Isla Asul,” “Sugat sa Puri,” “Maton” at ang “Show Girl.”

Sa nasabing panayam, hindi binanggit ng aktres ang dahilan kung bakit siya lumiban sa pag-artista pero napag-alaman na apat na beses siyang nasawi sa pag-ibig.

Ayon kay Alma, wala siyang lovelife ngayon dahil simula nang ipinanganak niya ang kanyang bunso hindi na siya muli pang umibig. Pinagtuunan niya umano ng oras ang pag-aalaga sa kanyang mga anak at negosyo.

Samantala, may nakakagulat naman na pag-amin ang aktres kay Morly. Kwento ni Alma, nagmula siya sa angkan ng mga ‘witch’ kaya marunong umano siyang manggamot at magbasa ng kapalaran ng isang tao gamit ang baraha.

Pagbubulgar pa ni Alma, marunong din umano siyang mangulam  pero hindi niya ito ginawa kahit pa sa mga nakaaway niya noon.

Bukod dito, nakikita rin umano ni Alma kung ang isang tao ay may ‘sundo’ na.

Ayon pa sa aktres, kusa na lamang daw dumating ang mga kakayahang ito sa kanya at walang nagturo.

Narito ang buong panayam.


No comments

Powered by Blogger.