Header Ads

Celine Dion nagperform sa 2024 Paris Olympics

  • Celine Dion muling nagperform matapos ang dalawang taon na pagtigil sa pagkanta
  • Hinangaan ang singer sa kanyang naging performance sa 2024 Olympics sa Paris

Isang malaking comeback ang nakita ng buong mundo nang muling masilayan ng publiko ang mahusay na singer na si Celine Dion.

Matapos ang dalawang taon mula nang mailantad ang tunay na kalagayan ng singer na si Celine Dion sa pagkakaroon ng Stiff-Person Syndrome, muling itong nagbalik sa kanyang pagkanta sa opening ng 2024 Olympics sa Paris.

Inawit ni Celine sa nasabing event ang sarili niyang rendition ng French ballad “Hymne a l’Amour” na orihinal na inawit ni Edith Piaf.

Sa nasabing performance, mapapanood si Celine na kumikinang sa kanyang kasuotan habang tumutugtog ang piano at naiparinig ang kanyang signature high notes sa mga manonood.

Isa sa host ng nasabing event na si Kelly Clarkson hindi naiwasan ang maging emosyonal. Habang nagsasalita si Clarkson, binigyan nito ng papuri ang performance ng mahusay na mang-aawit. 

Kasunod ng kanyang performance, nagpahayag naman si Celine ng pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang “X” account. Saad ni Dion, labis umano ang kanyang kagalakan na makapagtanghal sa gabing iyon at nangyari pa ito sa kanyang paboritong city na Paris.

Nagpahayag din siya ng suporta sa lahat ng mga atleta na nagbibigay ng sakripisyo at determinasyon para makuha ang inaasam na medalya.

“I’m honored to have performed tonight, for the Paris 2024 Opening Ceremony, and so full of joy to be back in one of my very favorite cities! Most of all, I’m so happy to be celebrating these amazing athletes, with all their stories of sacrifice and determination, pain and perseverance. All of you have been so focused on your dream, and whether or not you take home a medal, I hope that being here means that it has come true for you! You should all be so proud, we know how hard you have worked to be the best of the best. Stay focused, keep going, my heart is with you!”

Ang naturang performance ni Celine ang nagsilbing ikalawang pagtatanghal nito sa Olympics matapos ang kanyang unang performance noong 1996 Atlanta Olympics at kinanta ang “The Power Of Dream.”

Panoorin ang video.


No comments

Powered by Blogger.