Header Ads

Miles Ocampo tinanggap ang pagbabago ng katawan matapos magkasakit

  • Miles Ocampo nagbahagi ng saloobin hinggil sa kanyang sakit
  • Tanggap niya na umano ang pagbabago ng katawan matapos magkasakit
  • Masaya ang aktres sa itinatakbo ng kanyang karera

Nagpapasalamat ang dating Goin’ Bulilit star na si Miles Ocampo sa itinatakbo ng kanyang karera sa kasalukuyan.

Ayon sa kanyang panayam sa Philippine Star, simula nang pumasok siya sa industriya ng showbiz ay tanging longevity lang ang kanyang hangarin basta may naniniwala sa kanyang talento maliit man o malaking role ito. 

Matatandaan na nagkaroon si Miles ng papillary thyroid carcinoma at sumailalim sa isang thyroidectomy operation noong 2023. Matapos ang kanyang operasyon ay naging problema kay Miles ang pagbabago sa kanyang katawan kung saan nadaragdagan ang kanyang timbang na naging dahilan ng kanyang mga insecurities. 

Pag-amin ni Miles, unti-unti na lamang niyang tinanggap ang ganitong pagbabago dahil wala na ito sa kanyang kontrol. Binalikan din niya na siya’y nag-alangan na gampanan ang isang proyektong may titulong “Family of Two” kung saan nakatambal niya ang aktor na si Alden Richards.

Kwento pa ni Miles, medyo nahiya umano siya na maitambal kay Alden dahil baka mapagkamalan siyang nanay nito dahil sa kanyang katabaan. Subalit nalampasan niya naman ito sa pamamagitan ng pagiging positibo sa buhay.

Minarapat na lamang niyang mahalin ito basta tama umano ang kanyang ginagawa at wala siyang tinatapakang tao. Nagiging open na rin ang aktres sa pagkakaroon niya ng cancer. Saad pa niya na ‘depressing’ ang mga nangyaring pagbabago sa kanya pero sa tulong ng ‘support system’ na kanyang tinawag ay nalalampasan niya ito.

Ayon pa kay Miles, nilalabanan niya ang kanyang sakit at mas nagiging concious na sa kanyang kalusugan. Regular ang check-up niya sa kanyang doctor at patuloy ang maintenance medicine. Hindi na rin aniya umuubra ang kahit anong diet na kanyang ginagawa dahil sa kondisyon ng kanyang katawan.

Sa kasalukuyan ay sobra ang biyaya na kanyang tinatamasa pagdating sa kanyang karera dahil bukod sa pagiging parte ng Eat Bulaga ay bibida rin ito sa isang programa sa telebisyon na may titulong “Pandyak Princess.”

Natutuwa rin ang aktres dahil kahit paano ay may tulong ang kanyang bagong proyekto sa kanyang pagpapapayat dahil sa tema nitong pagpadyak ng pedicab sa labas ng initan. Cancer free na ang aktres at may lifetime medications na lamang.


No comments

Powered by Blogger.