Lola ni Carlos Yulo, hindi nakatiis nanonood pa rin ng Heroes’ Parade
Lola ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz hindi nakatiis, pinanood pa rin ang apo sa Heroes’ Parade, Miyerkules, August 14.
Sa naunang panayam sa lolo ni Carlos Yulo na si Rodrigo Frisco, sinabi nito na siya at iba pang mga kaanak ay nagtampo nang hindi sila payagan na magsundo sa airport noong Heroes’ Welcome para sa mga altetang lumahok sa Paris Olympics 2024.
Si Carlos umano ang mismong nag-message sa ama nito na huwag na lamang pumunta upang siya ay sunduin.
Bunsod nito, napagkasunduan umano ng kanilang pamilya na huwag na rin manood ng Heroes’ Parade dahil iniiwasan nila na magmumukhang kawawa sa mga mata ng mga tao.
Sa kabila nito, hindi nagpapigil ang lola ni Carlos na si Angelica Poquiz. Siya ay lumabas upang abangan ang pagdaan ng float ng apo.
Sa panayam ng ABS CBN, sinabi ni Angelica na hindi niya matiis na lumabas at mag-abang upang makita ang kanyang apo sa Heroes’ Parade. Marami umanong tao na pumunta at nanood. Tila hindi naman daw maganda kung sila na mga kadugo ay wala roon.
Napilit umano siya ng kanyang mga kapatid na manood. Kasama niya ang ilang mga kamag-anakan na nag-abang sa labas upang makita si Caloy.
Saad niya, “Hindi na rin ako makatiis kasi parang naaano na rin ako, kasi, siyempre dadaan siya diyan tapos lahat ng tao, makikita niya, kami wala.
“Malaman lang niyang nandodoon kami okay na yun kahit hindi kami nagkita.”
No comments