Header Ads

Eldrew Yulo may nakakaiyak na mensahe para sa kuya niyang si Carlos Yulo

Photos: Business Mirror, Josef Ramos, RTVM

Nagpaunlak ng isang panayam ang kapatid ni Carlos Yulo na si Eldrew, isa ring gymnast.

Sa nasabing panayam, hindi napigilan ni Eldrew ang maging emosyonal. Wala umano siyang ibang nais kundi ang muling mabuo ang kanilang pamilya. Binanggit din nito na wala siyang pakialam sa mga medalyang ginto ni Caloy dahil makakaya niya rin umano itong makamit.

Nang matanong naman si Eldrew kung may nais ba itong hilingin sa kanyang kuya, kung sakali.

Kaagad itong sumagot at sinabing wala siyang pakialam sa pera ng kapatid. Ang nais niya lamang umano ay bumalik na si Carlos sa kanila at mabuo muli ang kanilang pamilya.

Saad niya, “Yung love niya samin, his family. Sobrang saya namin sa achievements niya, pero ang habol lang talaga namin is siya.”

“After all may napatunayan na siya right, wala na kaming paki kung mag-saya kayo diyan, hindi na namin kayo guguluhin ng girlfriend mo, may napatunayan ka na. Ang gusto lang namin is bumalik ka samin.”

Samantala, naging emosyonal si Eldrew nang magpaabot ng mensahe sa kanyang kuya Caloy.

Kuya, hindi ka namin pinipilit na lumapit pero sana maisipan mo rin na lumapit kahit para kay Papa na lang o para sa akin. Gusto ko lang mabuo tayo.

Hindi ko kailangan ng pera or kahit ano… Kasi kaya kong i-earn ‘yan. Gusto ko lang talagang mabuo tayo, wala akong paki kung maka-gold ka kasi kaya ko rin ‘yan sa sunod, magagawa ko rin ‘yan.

Gusto ko lang talagang mabuo tayo, matagal na,” ani pa Eldrew.


No comments

Powered by Blogger.