Header Ads

Opinyon ni Atty. Chel Diokno hinggil sa usaping ‘utang na loob’ sa mga magulang PINUSUAN ng mga netizens

Umani ng maraming positibong komento ang pinakabagong Tiktok video ng kilalang personalidad at abogado na si Atty. Chel Diokno.

Ito ay hinggil sa pinag-uusapan ngayon na ‘utang na loob’ ng mga anak sa kanilang mga magulang.

Ayon kay Attorney Chel, walang dapat bayaran na ‘utang na loob’ ang mga anak sa kanilang mga magulang dahil ang pagkakaroon ng anak ay hindi negosyo. Ginagawa ang pagpapalaki sa mga anak dahil pagmamahal at hindi upang may masisingil na pautang sa hinaharap.

Paliwanag niya, dapat maging masaya na ang mga magulang na makitang matagumpay ang kanilang mga anak.

Alam ko bahagi ng kultura natin ang ‘utang na loob,’ pero para sa akin ang pagiging magulang ay hindi negosyo na may kailangang bayaran,” ayon kay Atty. Chel.

“Oo, binubuhos natin ang dugo, pawis at luha para sa ating mga anak pero ito ay dahil mahal natin sila at hindi dahil may inaasahan tayong kapalit. Sana sapat na sa atin na makita sila na mabuting tao, masaya at natutupad ang kanilang mga pangarap,” ayon pa sa kanya.

“Ang tagumpay nila ay para sa kanila para ‘pag dumating ang panahon na sila’y maging magulang na, pagmamahal rin ang ipapasa nila at hindi nila pabibigatin ang kanilang mga anak sa ‘utang na loob,” dagdag pa nito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Notice how Atty Diokno calmly deals with this issue? Very considerate. Very approachable. Very demure.”

“Bakit ibabalik sa magulang e responsibilidad nila yon? Hindi naman namin ginusto na ipanganak.”

Sarap siguro sa feeling pag Dad mo ay isang Atty. Chel Diokno.”

Kung maayos pagpapalaki sa anak, kahit hindi manghingi ng kahit ano ang magulang, kusang bibigyan at aalagaan yan ng anak esp kung ganun din ang pinapakita ng magulang before.”


No comments

Powered by Blogger.