Header Ads

Nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose tinanggihan ang panayam ni Mariz Umali

Dumating na ang mga Pinoy Olympians sa bansa ngayong gabi ng Martes, August 13, 2024.

Mapapanood sa coverage ng RTVM (Presidential Broadcast) ang mismong arrival ng mga atleta mula sa Paris Olympics 2024.

Pinagkaguluhan ng media ang mga atleta lalo na ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Naging kapansin-pansin naman ang nobya ni Yulo na si Chloe San Jose. Tinangka ni Mariz Umali ng GMA News na ito ay makapanayam pero kaagad na tumanggi si Chloe.

Saad ni Chloe, “Ay sorry, wag na ako magpa-interview.”

Naintidihan naman ito ni Mariz at maririnig na sinabi ang mga katagang “Huwag na daw, and we respect that.”

Kung matatandaan, naging laman ng social media ang pangalan ni Chloe. Maraming netizens ang nagpaulan ng pambabatikos sa dalaga dahil tila inagaw umano nito ang spotlight mula sa nobyong si Caloy.

Isang netizen pa ang sinagot ni Chloe upang ipagtanggol ang sarili. Ayon sa kanya, kailanman, hindi siya nagpaunlak ng panayam sa media dahil rin sa parehong rason na ibinibintang sa kanya ng marami.

You haven’t seen any media interview me because I DECLINE TO BE INTERVIEWED AND NOT TAKE AWAY HIS SPOTLIGHT,.


No comments

Powered by Blogger.