Header Ads

Jose Mari Chan naging emosyonal sa isang event – Netizens nag-alala para sa beteranong singer

Screengrab: Rod Magaru

Filipino icon singer-composer na si Jose Mari Chan naging emosyonal sa isang event na ginanap sa Ayala Makati, kahapon, August 12, 2024. Naging panauhin ang beteranong singer sa isang pagtitipon na inorganisa ng isang bangko.

Bagaman buwan pa lamang ng Agosto, napakanta na si Jose Mari Chan ng mga Christmas songs. Bukod sa mga awiting kanyang pinasikat na “Beautiful Girl” at Please Be Careful with My Heart, inawit rin nito ang mga pamaskong awitin na nirequest ng ilan sa audience.

Inawit niya ang “A Perfect Christmas,” “A Child Again at Christmas,” at ang kanyang signature hit na “Christmas in Our Hearts.”

Habang inaawit ang Christmas in our Hearts, biglang naging emotional ang singer. Hindi niya naiwasan ang mapaluha na kinabigla naman ng ilang manonood. Dahil sa kanyang pag-iyak, may ilang netizens ang nagpabtid ng pag-aalala sa kalagayan nito.

Ganun pa man, mapapansin rin na kahit siya ay naluluha makikita naman na panay pa rin ang kanyang ngiti.

Ayon sa mga netizens, marahil may kakaibang kasiyahan na nadarama ang singer. Tear of joy umano ang nasaksihan ng kanyang manonood sa oras na iyon. Tila mas espesyal ang pag-awit niya sa awiting ito ngayong siya ay may edad na.

Sa mga hindi nakakaalam, Si Jose mari chan ay 79 years old na at ilang dekada na rin ang nakararaan mula nang una niyang kinanta ang nasabing awitin.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

He must be feeling a bit sad that one day, he will not be able to sing it anymore due to his age.. but at the same time, he is very happy that most people knows his songs. It will forever be engraved on people’s hearts. Jose marie chan will always be a part of the filipino christmas!

“HE CRIED BECAUSE FILIPINO CHRISTMAS NOWADAYS IS NOT AT ALL LIKE BEFORE!!”

He cried because his music never fades.. it will be forever in the heart of the Filipinos who is very proud and honored to have him who brings music for us to be reminded that christmas is not only giving but also to be thankful to have Jesus in our lives.”

I can’t imagine christmas sa mall ng walang jose mari chan. He’s like a christmas icon, his music will continue until the next hundred years.”

“Naiyak naman ako, this song will stay in every Filipino’s heart forever!!”


No comments

Powered by Blogger.