Header Ads

Dalawang independent contractors ng GMA Network na inakusahan ni Sandro Muhlach ng pang-aabuso nagsalita na

Sa unang pagkakataon, humarap na senado ang dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz ngayong araw, August 12, 2024.

Sa nasabing senate hearing, mariing pinabulaan ng dalawang inaakusahan na ginawan nila ng kahalayan ang baguhang aktor na si Sandro Muhlach, anak ng beteranong aktor na si Niño Muhlach.

Wala umanong katotohanan ang mga akusasyon ni Sandro laban sa kanila at pawang paninira lamang.

Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin,” ayon kay Cruz.

Dagdag pa niya, “Kami po ay hindi executives ng GMA Network, tulad ng lumalabas. Taliwas sa sinasabi online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensiya sa network, lalung-lalo na sa mga artista nito.”

Ayon pa kina Nones at Cruz, kaya umano nilang patunayan sa anumang hukuman na sila ay inosente. Umapela din sila sa netizens na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanila at hintayin na lamang ang proseso ng imbestigasyon.

Kaya po naming patunayan sa piskalya o anumang korte na wala kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.

“Pero habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag niyo muna po kaming husgahan, ituring na parang mga convicted criminals,” saad ng dalawa.


No comments

Powered by Blogger.