Header Ads

Aktor na si Mon Confiado naghain na ng reklamo sa NBI laban sa content creator na si Ileiad

Photos: Mon Confiado FB

Isang content creator na nagngangalang Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD ang nahaharap ngayon sa reklamong isinampa ng mahusay na aktor na si Mon Confiado sa NBI Anti-Cybercrime Group.

Ito ay kaugnay sa maling impormasyon na ipinakalat ng nasabing content creator ilang araw pa lang ang nakararaan tungkol kay Mon.

Pinagbintangan nito ang aktor na nagsusungit sa mga nagpapapicture , nanduro at nagnakaw sa isang store. Ayon Kay Mon, wala itong katotohanan.

Nagreach-out pa ang aktor sa nasabing content creator at pinagsabihan pero sinagot lamang siya nito ng mga katagang ‘Joke lang’ at ‘IS THIS a THREAT?’

Ngayong araw, August 12, 2024, pormal nang naghain ng reklamo si Mon sa NBI Anti-Cybercrime Group.

Ayon sa aktor, “Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.”

Narito ang buong pahayag ni Mon.


No comments

Powered by Blogger.