Header Ads

Sheena Halili nanganak na – Ipinakilala ang anak sa unang pagkakataon

Photos: Sheena Halili IG

Celebrity mom na si Sheena nanganak na.

Dalawang larawan ang ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili sa kanyang Instagram account ngayong araw, August 11, 2024. Ito ay kuha sa isang ospital kung saan makikita siya at kanyang bagong silang na anak na pinangalanan niyang Baby Jio.

Sa caption ng post, napag-alaman na nanganak si Sheena noon pang Biyernes, August 9, 2024.

Ayon kay Sheena, “My baby Jio is here! August 9, 2024.”

Sa comment section, mababasa naman ang ilang pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at kapwa celebrities.

“Congratulations Mommy Sheens and Jeron!!!” saad ni Maine Mendoza.

Congratulations! I rejoice with your family! God bless Baby Jio!” ayon naman sa beteranang aktres na si Connie Reyes.

“Wowww congrats sainyo mareeeeng!!!” ani Chariz Solomon.


No comments

Powered by Blogger.