Header Ads

Rosmar Tan sinabing hindi kasalanan ni Chloe San Jose na sobrang proud sa kanya ang boyfriend na si Carlos Yulo

Naglabas ng saloobin ang CEO at social media personality na si Rosmar hinggil sa isyung pambabatikos na natatanggap ni Chloe San Jose mula sa netizens.

Ito ay kasunod ng trending appearance niya sa isang panayam kay Caloy.

Binatikos si Chloe ng madla dahil inaagaw umano nito ang spotlight mula sa boyfriend na kakapanalo lamang sa Paris Olympics 2024.

Ayon kay Rosmar Tan, hindi na kasalanan ni Chloe kung sobrang proud si Caloy sa kanya. Maging siya umano, kahit saang ganap kasama niya at katabi ang kanyang asawa.

Ani Rosmar, “Di na nya kasalanan n sobrang proud sakanya boyfie nya kaya kahit anong achievement nya katabi nya gf nya.”

“Miski ako kahit saan ganap lagi ko katabi kasama asawa ko. Kasi kasama ko sya nung walang wala hanggang sa nagkameron na ako,” ayon kay Rosmar.

“Same sa kanya lagi lang din ako sa tabi nya,” dagdag pa ng negosyante.


No comments

Powered by Blogger.