Former President Rodrigo Duterte nilinaw na hindi mga tao ang tinukoy na kanyang pinatumba kundi mga manok
Nagpaliwanag si Former President Rodrigo Duterte hinggil sa nakaraang pahayag na inilabas niya sa Quad Comm hearing noong November 13, 2024.
Sa ginanap na press conference nitong gabi ng November 25, 2024, nilinaw ng dating pangulo na hindi mga tao ang tinukoy niya na libu-libong pinatumba kundi mga manok. Sinabi niya umano ang mga bagay na iyon dahil batid niyang iyon din ang gustong marinig ng mga nagtatanong.
Saad niya, “The killing of what? Chickens ang sinabi ko don.”
“Look, they were st*pid person asking questions, I was answering them st*pid answers,” ani Duterte.
“They would like to hear kung ano ‘yung gusto nilang […] what they like to hear,” dagdag pa ng dating pangulo.
Bukod dito, nagbahagi din ng reaksyon ang dating pangulo hinggil sa gulong kinasasangkutan ngayon ng kanyang anak na si VP Sara Duterte. Ayon kay FPRRD, may tiwala siya na malalampasan ni Inday Sara ang gusot na ito. Sigurado daw siya na hindi makukulong ang kanyang anak at makakauwi ito sa Davao.
Ani Duterte, “kay Inday wala ‘yun […] kasuhan man nila si Inday eh di kasuhan nila. Hindi naman makulong ‘yan… hindi talaga magpakulong ‘yan. Maski patayin mo ‘yan, uuwi ng Davao ‘yan.”
No comments