Header Ads

Larry Gadon nanawagan sa kongreso na i-impeach si VP Sara Duterte: “Siya ay mentally incapacitated”

Naniniwala si Presidential Adviser for Poverty Larry Gadon na mentally incapacitated si VP Sara Duterte. Kaya naman, nanawagan siya sa kongreso na maghain na ng impeachment case laban sa Bise Presidente dahil hindi na daw nito kaya pang gawin ang kanyang trabaho.

Ani Gadon, “Sa mga nangyayari ngayon ay maaari ng tanggalin ng Kongreso si VP Sara Duterte sa kanyang pwesto bilang Vice President sapagkat yung kanyang pagtutol o hindi pagpapaliwanag ng husto tungkol doon sa kanyang confidential funds na daan-daang milyon na ginamit nya ng hindi tama sang-ayon na rin sa pag-iimbestiga ng Kongreso.”

Maaari na siyang hainan ng impeachment case dahil sa betrayal of public trust dahil sa isang public official dapat ay manilbihan ito ng tapat sa taumbayan,” dagdag pa ni Gadon.

Paliwanag ni Gadon, hindi na nagagampanan ni VP Sara ang kanyang tungkulin bilang Bise Presidente lalo at pinagpaplanuhan pa nito na patayin ang Pangulo ng bansa. Ang mga nakaraang pahayag umano ni VP Sara ay nagpapatunay na may matindi itong problema sa kaisipan.

“Ang duties ng vice president is to assist the President in the performance of his duties. Eh paano siyang makakapag-assist eh pinagpaplanuhan niyang patayin ang presidente at itong binabanggit niya na mga planong pagpatay sa Presidente ay nagpapakita lamang na mayroong matinding problema ang kanyang kaisipan at ito ay nagdudulot ng incapacity dahil ang isang tao na hindi nakakapag-isip ng husto ay hindi nakakapag isip ng tama, siya ay mentally incapacitated,” paliwanag pa ni Gadon.


No comments

Powered by Blogger.