Header Ads

Isang lalaki natulog habang naka-Facebook Live at nagulat ng makitang umabot 1.8 Millions views kanyang video

Source: Marnie Saez

Habang maraming mga vlogger ang lumilitaw ngayon na nagpapakahirap magisip sa paglikha ng bagong gimik para sa kanilang mga manonood, mayroong iba na hindi inaasahang magviral na walang ibang ginawa kundi ang mga nakasanayang bagay.

Tulad ng nasabing vlogger ng Malaysia na nag-viral habang nakaupo lamang ito na "walang" ginagawa sa kanyang 2 oras na haba ng video, isa pang vlogger - isang Pilipino sa pagkakataong ito ay nag-Live sa facebook habang natutulog!

Source: Marnie Saez

Si Marnie Saez ay mula sa Cavite, nagpasya itong mag-Live sa facebook bago matulog at laking gulat na lamang niya ng pagkagising niya ay umabot na sa 1 million views ang kanyang video.

May caption na "Time to sleep nga beshy tara sama kayo” ang kanyang live bago siya matulog.

Ang video na ito ay umaabot na ngayon sa 1.8 million views at pala isipan parin kung bakit marami ang nanonood dito. Marahil ay wala pang nakakaisip nito na ang simpleng video ng pagtulog ay magiging patok sa mga netizens.

Source: Marnie Saez

Dahil sa maraming views nito, maraming mga nakakatuwang comments mula sa mga netizens. Sabi ng isang netizen ay dapat raw ay may card games upang hindi maboring ang mga nanonood at nagbabantay kay Saez habang natutulog.

Sabi pa ng isa ay kaya mahimbing ang tulog ni Saez dahil marami ang nakabantay sakanya para hindi siya kagatin ng lamok at walang masamang pwedeng mangyari sakanya.

Source: Marnie Saez

Ayon kay Saez, masaya siya at maraming natuwa sakanyang video dahil depressed siya noong mga panahon na iyon dahil muntikan na silang maghiwalay ng kanyang live-in partner ng 5 years.

Dagdag pa ni Saez, kahit ang ibang netizens ay sinasabing nagawa niya lamang ito para dumami ang kanyang views at makakuha ng attention mula sa mga tao ay masaya siya at nakapag pasaya siya ng maraming manonood.

Panooring ang kanyang pag tulog dito:


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.