Header Ads

Lalaki, pinagtawanan ng dating Schoolmate matapos malamang nag tatrabaho siya bilang construction worker

Source: Ddcl Srn Blny / Facebook


Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging ma-diskarte sa kahit anomang sitwasyon. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang pumapasok sa ibat-ibang paraan ng pagkakakitaan lalo na sa mga nawalan ng trabaho.

Ngunit tila ang iba sa atin ay may ibang ang pananaw sa buhay. Tulad na lamang ng kwento ng isang netizen kung saan ay nakasalubong niya sa kalsada ang dating schoolmate noong siya ay nasa highschool habang papasok sa trabaho.

Kinamusta siya ng kanyang schoolmate dahil lagi niya raw ito nakikita habang papasok sa trabaho. Sinabi rin nito na nakikita siya na nagtatrabaho bilang construction worker. "Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nag coconstruction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan." dagdag pa nito habang tumatawa.

Basahin ang buong kuwento:
Source: Ddcl Srn Blny / Facebook

Source: Ddcl Srn Blny / Facebook

Convo with Schoolmate(With Honors)
Nagkasalubong sa Kalsada...

SM: Uyyy Eddcel ? Kamusta? Araw araw kita nakikita nadadaan dito.
ME: Ok lang naman eto papunta work.
SM: Nakikita nga kita eh, nagcoconstruction ka lang diyan sa Dulo Sumapa.
ME: Ahh ganon ba, oo eh hehe wala ng reklamo lalo pandemic.
SM: Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nag coconstruction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)
ME: Speechlesss 🙁 (Diskarte Lang Sa Buhay)
SM: HAHAHAHA
ME: Pano? Una na ako, baka malate ako eh. (Bike palayo sa kanya habang tumatawa Siya.)

Yung tipong habang nag Babike ka,napapa isip ka sa bawat salita na narinig mo mula sa Tao na yun. And what? Sobrang Sakit 💔. May KAYA sila sa buhay at Hindi habang buhay aasa SIYA sa Pamilya niya. May mga tao pading Idadown ka pero kailangan mo paring Magpatuloy ❣️. Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan 💕

Ps: Kaninang Umaga lang to. Papasok ako sa Work. 💕 For that Guy? God blesss you at sa Family mo ❣️ Hindi ko ikakahiya kung ano ginagawa ko dahil dito ako Masaya at dito rin ako nakakatulong para sa Sarile ko at sa Ibang Tao at lalo sa Pamilya ko 💪🙂

Umani ito ng maraming supporta mula sa mga netizens:


Anong masasabi niyo sa kuwentong ito?

Source: Ddcl Srn Blny / Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.