Header Ads

Mga Food Delivery Riders naloko ng isang customer matapos umorder ng sandamakmak

 

Larawan ay mula sa noypiako

Ang mga Delivery Riders ay maituturing din natin silang mga bagong bayani dahil kahit anung peligro ng panahon na kinakaharap natin ay nandiyan sila upang magbigay ng serbisyo sa atin.

Ang serbisyo na binibigay mga delivery riders minsan nasusuklian ng hindi maganda dahil sa mga taong nanloloko at nanamantala.

Sa tagpong ito ay matinding panloloko ang nangyari sa Las Piñas City, matapos umorder ng sandamakmak ang nagngangalang Aj Pande na wala naman umano sa naturang lugar kung saan niya ina-address ang kanyang mga order.

Makikita sa larawan na napakaraming deliry riders na naman ang naloko ng mga walang pusong tao na ito.

Ayon sa post ni Natalie Dela Cruz, pinick-up daw umano nila sa mga seller ang order ni " AJ Pande" at iba-iba umano ang gamit na contact number ngunut iisa ang address na tinuturo.

"Nakwento sakin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ pande. Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address," ayon kay Natalie dela Cruz.

Larawan ay mula sa noypiako

Larawan ay mula sa noypiako


Ayon pa kay Natalie ay walang AJ Pande na nakatira doon dahil Senior lang ang lumabas sa naturang address.

"Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon," dagdag ni Natalie.

Sa dami umano ng order ng AJ Pande, maraming riders ang naloko at nag-antay sa wala dahil walang AJ Pande ang nakatira sa naturang lugar.

Source: noypiako


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.