Header Ads

Bata sinampal ng kapitbahay dahil sa pasong nabasag; Bakas sa mukha ng Bata ang marka ng kamay nito [VIDEO]

Larawan ay mula sa Facebook post ni  Maan Torne

Inilabas ng isang netizen ang kanyang galit sa social media matapos umanong sampalin ng kanilang kapitbahay ang kanyang kapatid na pinagbintangang nakabasag ng paso nito. Lumatay pa sa mukha ng bata ang kamay ng kapitbahay.

Ayon sa netizen na si Maan Torme, walang pruweba si Badong Mancio na kanilang kapitbahay sa bintang nito sa kanyang kapatid. Ang sabi ng bata, hindi siya ang nakasagi at nakabasag sa paso, at nagkataong siya ang nandoon nang makita ni Mancio ang basag na paso.



Larawan ay mula sa Facebook post ni  Maan Torne


Larawan ay mula sa Facebook post ni  Maan Torne

Agad daw sinampal ng kanilang kapitbahay ang bata. Bakas pa sa mukha ng bata ang marka ng kamay nito. Makikita sa larawan ng kapatid ni Torme ang pantal at pula sa pisngi nito.

Larawan ay mula sa Facebook post ni  Maan Torne


Sinubukan daw nilang ireklamo si Mancio sa barangay pero hindi man lang daw ito pinatawag ng kanilang kapitan. Ipatatawag na lamang daw ito kapag naulit ang pananakit. Pinagtawanan lang din daw sila ng iba pa nilang kapitbahay.

Malakas daw ang kapit ni Mancio sa barangay, ayon kay Torme, dahil siya raw ang ama ng isang opisyal doon na nagngangalang Marlon Mancio. Palusot ng nanampal, may isang kapitbahay raw silang nakakita na ang kapatid ni Torme ang nakabasag sa paso. Ayon naman sa kapatid ng sinampal, wala namang sinasabi ang kapitbahay na umano’y nakakita sa pangyayari.

Ang ginawa ni Mancio sa kanyang kapatid ay isang child abuse. Nagmatigas ito dahil may koneksyon ito sa barangay. Para kay Torme, hindi tamang manakit siya ng bata dahil wala naman siyang ebidensya.

Nanawagan si Torme na maaksyunan ang kanilang hinaing dahil wala raw silang maaasahan sa kanilang barangay.



Shout out don sa sumampal sa kapatid ko. ''Badong" MANCIO. Sino ka po para saktan at sampalin yung kapatid ko? Wala...

Posted by Maan Torne on Friday, October 9, 2020


Source: Maan Torne


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.