Header Ads

Viral: Ice cream vendor na may isang paa lang, masayang masaya sa natanggap niyang tulong

Larawan ay mula sa Google


        Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang vlogger na si Basel Manadil, o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” matapos tulungan ang isang may kapansanang nagtitinda ng ice cream sa kalsada.

Sa kaniyang vlog nitong Oktubre 09, bibili raw sana ng tiles si Basel para sa kaniyang bagong renovate na bahay sa Alabang nang makita niya ang isang lalaking putol ang isang binti at nakasaklay na nagtitinda ng ice cream sa gilid ng kalsada.

Nilapitan ng vlogger ang tindero. Kinausap niya ito at tinanong kung taga-saan siya at kung gaanong katagal na siyang nagtitinda. Sa Las Piñas daw nakatira ang tindero at tatlong taon na raw siyang nagtitinda ng ice cream.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google


Nagtitinda raw ang nasabing lalaki ng ice cream tulad ng ice buko at pinipig dahil kasalukuyan daw silang magkakapamilya na nakatira sa isang bahay na may rentang P5,000 kada buwan, kaya kumakayod daw siya para dito.

Noong una raw ay inakala ng vlogger na isang Grab driver ang nasabing tindero dahil kulay berde raw ang kaniyang damit. Ngunit sabi naman ng lalaki, hindi siya isang Grab driver kundi isang ice cream vendor.

Nang tinanong ni Basel kung ano ang nangyari sa paa ng lalaki, sinabi nitong bumukol daw ito noon hanggang sa nadiskubreng isa itong tumor. Kaya upang maalis daw ito, kinailangang putulin ang kaniyang isang binti.

Subalit hindi raw ito naging dahilan upang hindi na raw kumayod ang nasabing tindero. Dahil sa kaniyang pamilya – asawa at apat na anak – nagpatuloy siyang lumaban at harapin ang buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng ice cream.

Hanggang sa sinabi na nga ng vlogger na nakita niya raw ang lalaking nagtitinda ng ice cream kahit na nakasaklay ito. Inihayag na nga ni Basil na bibilhin niya raw ang lahat ng paninda ng ice cream vendor. At hindi lang daw iyon, sapagkat bibigyan daw niya ito ng “extra money” at babayaran niya pa raw ang kanilang renta.

Masaya namang nagpasalamat ang ice cream vendor. Subalit sinabi niyang nahihiya raw siya na baka pagtinginan sila ng tao kapag ibinigay na sa kaniya ng vlogger ang pera. Kaya nagdesisyon si Basel na magtungo sila sa isang bahagi ng kalsada upang maiwasan ang pagtingin sa kanila ng mga tao.



Source:  The Hungry Syrian Wanderer - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.