Header Ads

Mga Pinoy sa Dubai pinagbabawalang mamitas ng malunggay, " NO Makulit"

 

Larawan ay mula sa post ni Edmund Jadol - Facebook


Dito sa Pilipinas, nakasanayan nating mga pinoy na hinihingi ang dahon at bunga ng malunggay o di kaya ay mayroon tayong sariling tanin nito dahil madali namang tumubo ang puno nito.


Dahil napakaraming tumutubong puno nga ng malunggay sa ating mga bakuran at kung saan saan, libre kang mamitas o kung may nagmamay-ari man sa puno ay pwede kang humingi.


Napakasarap kasi ng dahon at bunga ng malunggay bilang pansahog sa ulam lalo na´t punong puno ito ng nutrisyon.


Larawan ay mula sa post ni Edmund Jadol - Facebook

Trending sa social media ang post ni Edmund Jadol, dahil sa kuha nitong larawan na nakakatuwa.


Makikita kasi sa larawan na ang isang maliit na punong ng malunggay ay may nakapaskil na pinagbabawala ang mga Pilipino na manguha o mamitas dito.


Nakasulat sa paskil,


"Filipina, Pls. no picking malunggay still young this tree. No makulit. Thank you."


Samantala, sa pahayag naman ni Jadol pinaalalahanan niya ang ating mga kababayan na nandoon at sinabi na:


"Mga kabayan! Haha. Lets not pick the Malungays sa Dubai hahah wala kayo sa Pinas! Alam na alam na kayo kumukuha hahah. Marami naman nyan sa fish market baka 1dhs lang isang tumpok nyan hehe. Naka identify yung nationality naten oh oist! Haha. Baka isipin nila lahat ng Pinoy after sa Malungay nila hahahha."


Marahil alam ng mga taga Dubai na mahilig talaga sa malinggay ang mga Pinoy kung kaya´t sila ang pinagsabihan na huwag munang pipitasin ito. Mainam rin kasi na lumaki muna ang puno upang  mas lumago ito, dumami ang dahon at mamunga.


Dagdag kaalaman:


Alam mo ba na ang Malunggay o Moringa ay tinaguriang Superfood? Ito ay dahil ang malunggay ay may mga natural na sangkap na may benepisyo sa katawan natin at mas marami kumpara sa sustansiyang dulot ng ibang prutas at gulay.


At mayaman ito sa calcium, iron, phosphorus, at vitamins A, B at C. Ang mga bitaminang ito ay mga kilalang anti-oxidants na mabisang panlaban sa stress, nakakapagpalakas ng immune system at nakakapagpabata.


Kaya paborito ito ng mga pinoy dahil sa sobrang sarap na, marami pang benipisyong na ibibigay sa ating katawan.


Mga kabayan! Haha. Lets not pick the Malungays sa Dubai hahah wala kayo sa Pinas! Alam na alam na kayo kumukuha hahah....

Posted by Edmund Jadol on Wednesday, April 22, 2020


Source: Edmund Jadol - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.