Header Ads

11.11 Big Christmas Sale Online Sale, Ginamit bilang Revenge ni Girlfriend kay Boyfriend dahil sa hilig uminom ng alak!

Source:  Jessie Abalos Cagurangan/Facebook

Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig sa mga sale tulad ng 11.11 Big Christmas Sale online at dahil maraming mga Filipino sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nag-abang at. Karamihan ay umorder para sa maagang pamasko at pangregalo o kaya naman ay para sa kanilang sarili.


Ngunit para sa kwentong ito, tila nagamit sa ibang paraan ang malaking sale na ito. Anong masasabi niyo kapag ginamit ito bilang paghihiganti matapos mag-away?

Source:  Jessie Abalos Cagurangan/Facebook
Kagaya na lamang ng nangyari sa isang netizen na si Jessie Abalos Cagurangan, na ayon sa kanyang post ay nakatampuhan ang kanyang kasintahan, at bilang ganti nito, ay umorder online at pinadeliver sa kanyang address para siya lahat ang magbayad nito.

Ayon sa post ni Cagurangan, nag-away sila ng kanyang kasintahan na si Jenny Mae Manaois Garcia matapos itong magalit dahil siya ay mahilig uminom ng alak kasama ang mga barkada. Mabilis naman nilang naayos ang tamputahan at sa huli ay nagkabati din.


Source:  Jessie Abalos Cagurangan/Facebook

Subalit ilang araw ang makalipas matapos naganap na pag-aayos nila ay biglang ikinagulat niya ang paraan ng ginawang paghitanti ng kasintahan. Ngunit imbes na mainis ay natawa na lamang ito sa kanyang ginawa. 

Ano ang ginawa girlfriend? Basahin sa ibaba! 

"GIRLFRIEND’S REVENGE!

This weekend nagaaway kami kasi naginom ako hanggang madaling araw ng November 7, 2020. AYUN AWAY NA NAMAN.

Then suddenly, naging okay kami nung Sunday, November 8, 2020.


Source:  Jessie Abalos Cagurangan/Facebook

Then, umagang umaga ng Monday, November 9, 2020, biglang tinawag ako ng Guard may parcel daw ako sa baba. Napaisip ako kasi “WALA NAMAN AKONG INORDER”. Then malaman laman kong ‘tong magaling kong Girlfriend pala ang nagorder at ang nakakabilib dun, sa’kin ang address!  So, sabi ko sa sarili ko, okay lang at isa lang naman e. As usual, babayaran ko.

Then Tuesday, November 10, 2020, nasa Maddela Branch ako, biglang tumawag tong officemate ko, may Parcel daw ako. HOLY COW! Wala akong matandaang inorder ko. Tapos tinanong ko tong Girlfriend ko, sakanya pala. And yet, sa’kin parin naka-address. Syempre pinabayaran ko na naman.

This day, November 11, 2020, nasa Kayapa Branch ako, biglang tumawag na naman tong officemate ko, ayun may Parcel daw ako. Biruin mo yun, hindi lang isa yung dumating na parcel, kundi dalawa! Walangya. As usual pinabayaran ko na naman.

SO NGAYON, NAPAGTANTO KO NA HINDI NAKO MAKIKIPAGAWAY SAKANYA. MAHIRAP PALA YUNG GANTI. HAHAHAHA

REVENGE IS REAL. WALA E, LOVE MO E!"

Source:  Jessie Abalos Cagurangan/Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.