Header Ads

Sino sino kaya itong mga babaeng kasama ni Rambo

Larawan ay mula sa Google


H
inahangaan ngayon ng mga netizens ang mga magagandang anak ng American actor na si Sylvester Stallone, o Sylvester Enzio Stallone sa totoong buhay.

Maliban sa pagiging aktor, si Stallone ay isa ring direktor, screenwriter at producer. Noong isilang nga raw ang 74-year-old actor, nagkamali umano ang doktor sa paggamit ng “forceps” kaya naaksidente at naapektuhan ang nerve sa kanyang mukha. Dito na nga nanggaling ang “snarling look signature” ng aktor.

Larawan ay mula sa Google

Tila telenobela rin ang buhay pag-ibig ni Stallone dahil nagkaroon na siya ng dalawang asawa noon bago niya pa makilala ang ikatlong misis niya ngayon. Taong 1974 nang ikasal siya kay Sasha Czack at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki; ngunit nauwi sa diborsiyo ang kanilang pagsasama noong Pebrero 1985. Matapos nito, ikinasal naman si Stallone kay Brigitte Nielsen, isang modelo at aktres, noong Disyembre 1985. Subalit makalipas lamang ng dalawang taon, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Larawan ay mula sa Google

Noong 1997, natagpuan ni Stallone ang bagong pag-ibig kay Jennifer Flavin. Nagkaroon sila ng tatlong anak na mga babae, na humahakot ngayon ng atensyon mula sa publiko dahil sa pagpasok nila sa modeling industry, maging sa taglay nilang katalinuhan at kaseksihan.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Ang kanilang mga anak ay sina Sophia, Sistine, at Scarlet. Ayon sa ilang mga ulat, nakatanggap ng parangal ang kanyang mga anak bilang Miss Golden Globe sa 74th Golden Globe Awards noong 2017. Isa rin si Sophia sa mga naging hurado ng “Project Run Away.” Kasama naman ni Sophia si Sistine para sa Dolce & Gabbana Ad Campaign.

Proud father naman si Stallone dahil sa tinatamasa ng kanyang mga anak.



Source: Google


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.