Header Ads

65 taong gulang na lalaki nagtanim ng 10,000 mangroves para protektahan ang kanyang bahay mula sa mga bagyo

Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook



Hindi maikakailang nagkakaroon ng malawakang pagbaha sa tuwing nananalasa ang malakas na bagyo. Marahil ay dahil sa mga basurang bumabara sa mga kanal o estero, at lalong-lalo na sa kadahilanang patuloy sa pagputol ng mga puno at pagkalbo sa mga kagubatan ang mga tao.

Gayunpaman, nagtanim ang isang 65 taong gulang na lalaki ng 10,000 mangroves para protektahan ang kanyang bahay mula sa mga bagyo.

Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook

Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook


Kinilala ang lalaki bilang si Gary Dabasol na mula sa Matalon, Leyte. Nakatira si Dabasol malapit sa baybayin at alam niyang delikado ang kanyang bahay mula sa malalakas na bagyo. Upang maiwasan ang anumang pinsala, nagtanim siya ng 10,000 mangroves sa Punong Village kung saan siya naninirahan.



Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook


Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook


Larawan ay mula sa post ni Dan F Niez - Facebook

Pinulot lang umano ni Damasol ang mga buto ng mangroves sa kanilang lugar, ayon sa Philippine News Agency, kung saan iba’t ibang uri ng mangroves ang kanyang itinanim tulad ng miyapi, pagatpat, at bakawan.

Pahayag ni Damasol, “I’m glad that I was able to inspire people. I hope that they will also follow what I am doing. I also want to contribute to higher marine production by cultivating a spooning area for fish, crabs, and shrimps and other species.”

Ibinahagi naman ng netizen na si Dan Niez sa social media ang kuwento ni Damasol. Sana ay ma-inspire daw ang mga tao sa ginawa ng lalaki at tularan siya na alagaan ang kalikasan. Sinabi pa ni Niez na masuportahan sana si Damasol ng gobyerno.

Samantala, sa isang artikulo ng Ecoviva, maliban sa pangdepensa sa malalakas na alon ang mangroves, “It provides a nesting and breeding habitat for marine animals. They help in maintaining water quality since they filter and trap sediments, heavy metals, and other pollutants. They eliminate carbon in the atmosphere two to four times greater than the mature tropical rainforest.”



Meet Mr. Gary Dabasol from Brgy Punong Matalom Leyte, Planted 10,000 mangroves by himself. Behind him are 5 years old...

Posted by Dan F Niez on Saturday, October 24, 2020


Source: Dan F Niez - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.