Header Ads

Binigyan ka ibahagi mo rin sa iba yan ang pinatunayan ng isang pulis matapos abotan ng pera ni Senador Manny Pacquiao.

 

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero

Pulis na tubong indang cavite na si PCpl Carlo Romero, miyembro ng Cavite Police Provincial Office, inabotan ng pera ni Senador Manny Pacquiao.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero


Kwento ni PCpl Carlo Romero, nagbabantay sila sa pamamahagi ng relief goods at cash ni Senador Pacquiao sa Dasmariñas Cavite ng maisipan niyang magpapicture sa senador, laking gulat umano ni PCpl Romero ng bigla siyang abotan ng pera ni Pacquiao.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero
Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero
Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero


Bilang pasasalamat kay Senador Pacquiao na may mabuting puso ay imbes na sarilinin ng pulis ang perang ibinigay sa kanya ng senador ay mas namayani sa kanyang mabuti ring puso ang mga nangangailangan pang kababayan ng tulong kaya ang ginawa niya ay ibinili niya ng mga relief goods ang pera na ibinigay sa kanya ng senador at ipinamahagi niya sa mga kapwa pa na mas nangangailangan.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero


Tunay na kahanga-hanga ka PCpl Romero, nawa ay marami pang mga alagad ng batas, mga empleyado ng gobyerno at mga lingkod bayan ang katulad mo na may pagkalinga at pagmamalasakit sa kapwa lalo sa mga nangangailangan. Kami ay sumasaludo sa iyo, maraming salamat sa kabutihan mo, pagpalain ka pang lubos ng ating Panginoong Diyos at Mabuhay ka.


Narito ang buong post ni PCpl Carlo Romero sa kanyang Facebook account:


"LETTER TO SENATOR MANNY PACQUIAO

November 28, 2020

Sir Manny Pacquiao, ako nga po pala yung Pulis na nagpakuha ng picture sa inyo kahapon sa Dasmarinas Cavite. (November 27, 2020). Nagulat po ako dahil pagkatapos natin magpakuha ng picture ay inabot nyo sa akin ang natirang pera sa mga ipinamamahagi ninyo at nung bilangin ko ito ay mas lalo akong nagulat. Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin. Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan, alam ko po mas marami pa po ang lubos na nangangailangan nito kesa po sa amin.


Maraming Salamat po sa inyo. Sana po mabasa nyo itong post ko at sana rin po ma-meet ko pa ulit kayo.

God Bless sir!

Salute!"

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Carlo Romero



Source: Carlo Romero - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.