Kasambahay sa Bahrain, nakuhanan ng video na nakasakay sa Trunk ng isang umaandar na sasakyan
Larawan: Screenshot mula sa News Of Bahrain - Facebook |
Masuwerte ang mga taong may sariling sasakyan dahil maaari nilang marating ang mga lugar na nais nilang puntahan: sa palengke, mall, at sa mas malalayo pang pook. Tipid na sa pamasahe, may kakayahan pang maisakay ang lahat ng mga gamit at iba pang pinamili. Mas maganda rin kung may lisensya ang nagmamaneho. Subalit, hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng lisensya at sasakyan.
Samantala, nag-viral sa social media ang isang video kung saan makikitang nakasakay ang isang babae sa likurang bahagi o trunk ng isang sasakyan na umaandar.
Ayon sa mga ulat, kasambahay umano sa Bahrain ang naturang babae at inutusan daw ito ng kanyang amo na hawakan ang isang malaking kahon na kanilang binili. Tila ba hindi nila itinuring na tao ang babae dahil basta lamang siyang pinasakay sa trunk ng sasakyan.
Mukhang hindi alintana ng amo ng babae ang panganib na maaaring maidulot nito sa kasambahay. Ibinahagi ng “News of Bahrain” sa social media ang nabanggit na video.
Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Nagbigay na ng pahayag ang “General Directorate of Traffic” sa Bahrain at pinaiimbestigahan na ang insidente. Ayon pa sa kanila, isang 20-anyos na babae ang nagmamaneho ng sasakyan na nahaharap sa ilang mga kaso.
Source: News Of Bahrain
Source: Furry Category
No comments