Delikadong Kemikal, nakita sa isang Instant Noodles; Maaaring Magdulot ng Kidney problem at Kanser
Larawan ay mula sa therelatable.net |
Pinag-iingat ngayon ang publiko mula sa pagkain ng mga instant noodles gaya na lamang ng “Lucky Me Pancit Canton” dahil umano sa nadiskubreng kemikal dito na nagdudulot ng sakit.
Sa Medical Reference Highlight, ibinahagi ni Dr. Raymond Escalona ang mga panganib na maaaring makuha sa pagkain ng instant noodles batay sa mga ingredients o sangkap na nakasulat sa packaging nito na maaari daw makapagbigay ng seryosong sakit o problema sa katawan ng tao.
Sa Facebook page naman ni Dr. Gary Sy na “Gabay sa Kalusugan,” inilista niya ang lahat ng ingredients ng pancit canton. Isa na nga rito ang silicon dioxide o mas karaniwang kilala bilang silica gel.
Ang silicon dioxide ay binubuo ng silicon at oxygen – mga elements na karaniwang nakikita sa lupa. Sa una’y maaaring hindi naman daw ito makaaapekto sa mga tao subalit sa oras na nasunog daw ito at naging pulbos at nalanghap ng isang tao – malaki raw ang magiging epekto nito sa kalusugan.
Karaniwang iniuugnay ang crystallized silica na ito sa carcinogenic human lung. Kapag daw nasinghot ito ay maaari itong maging sanhi ng lung cancer, pamamaga ng baga, bronchitis o systematic autoimmune disease.
Isa rin sa mga maaaring makuhang sakit ay ang tinatawag na silicosis. Kapag daw kasi na-expose sa silica sa loob ng mahabang panahon ang isang tao, pinipigilan daw nito ang baga na bumuo ng scar tissue at mahihirapan sa pagkuha ng oxygen. Ang silicosis ay walang gamot at nakamamatay.
Maaari din daw makapagpataas ng blood pressure, pagkahilo, abnormal na pagtaba at kidney failure ang pagkain ng mga instant noodles. Kaya naman hinihimok ng mga eksperto sa medisina ang publiko na huminto o bawasan ang pagkonsumo sa mga ganitong uri ng produkto upang maiwasan ang mga nakapipinsalang sakit.
Source: therelatable.net
Source: Furry Category
No comments