Header Ads

Isang live video kung saan inihayag nila ang “report card” ni Pangulong Rodrigo Duterte “ayon sa mga kabataan at mamamayan

Larawan ay mula sa - Facebook Page


Mapapanood sa Facebook page ng KABATAAN PARTYLIST ang isang live video kung saan inihayag nila ang “report card” ni Pangulong Rodrigo Duterte “ayon sa mga kabataan at mamamayan.”

Ang tanging ginagawa lamang daw ng pangulo, ayon sa lalaking nagsasalita, ay ang pangungutang at pangungurakot ng ayuda. Hawak naman ng isang lalaki ang tila tarpaulin ng report card ng pangulo.

Makikitang “Fail” lahat ang nakasulat sa hawak na “report card” at indikasyon ito na palpak umano si Duterte sa “C0V¡D-19 response, education policy, disaster preparedness,” at sa “urgent relief for typhoon victims.”

Larawan ay mula sa - Facebook Page

Larawan ay mula sa - Facebook Page

Larawan ay mula sa - Facebook Page

Larawan ay mula sa - Facebook Page


Ani naman ng babae, simula noong Enero hanggang sumapit ang pandemya at iba pang unos, absent daw si Duterte. Ginagamit din umano ang National Service Training Program (NSTP) sa pag-red tag sa mga organisasyon ng kabataan at sa iba pang indibiduwal. Dapat rin umanong tanggalan ang budget at i-abolish ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC). Ang budget daw ng NTF ELCAC ay marapat lang na ilaan para sa disaster preparedness program at para sa pagtugon sa mga kakulangan sa edukasyon. Binabalewala pa rin umano ni Duterte ang mga panawagan ng mga tao para sa pagkain, ayuda at tulong, lalong-lalo na ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

“Kaya ang hatol natin kay Duterte sa mga panawagang ito ay bagsak ka! Hindi ka papasa sa hanay ng mga kabataang estudyante at ng iba’t ibang sektor. Kaya ang gagawin namin ay papatalsikin ka sa posisyon.”

Larawan ay mula sa - Facebook Page

Umani naman ito ng batikos mula sa iba pang netizens.

“My gosh ano bang napapala niyo sa ginagawa niyong yan… Instead of going against the government why not help them instead…”

“Iilan lang pala sila. Mas maraming kabataan na naniniwala na mas maganda naman ang patakbo ng pamahalaan natin ngayon. Kaysa sa mga nagdaang administrasyon.”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 4,100 reacts, 6,100 comments at 113 shares ang naturang video.




Source: Larawan ay mula sa - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.