Header Ads

Isang banyaga ang ilang beses ng naloko sa pinas ngunit hindi sumuko at pinagpatuloy ang pamumuhay dito

Larawan ay mula sa Becoming Filipino Facebook Page


Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ng isang banyagang taga-Wales, United Kingdom matapos niyang ipagpatuloy ang buhay rito sa Pilipinas kahit na ilang beses na siyang naloko.

Pinili ng 28 taong gulang na si Anselm, isang Welshman, na manirahan na lamang sa Pilipinas simula nang mapangasawa niya ang isang Filipina na taga-Davao City noong 2016. At tulad din ng ibang foreigners, napamahal na raw sa kaniya ang Pilipinas dahil sa nakabibighani nitong ganda at kultura.

Larawan ay mula sa Becoming Filipino Facebook Page

Subalit, sa kabila ng pagpili niyang mamuhay sa bansang ito, maraming mga Pilipino ang nagsamantala sa kaniyang kabaitan – kaya naman, ilang beses na siyang naloko.

Gayunpaman, upang mabuhay ang kaniyang pamilya at magkaroon ng mapagkakakitaan, napagdesisyunan ni Anselm na magtayo ng fishpond, kahit na wala siyang background sa ganitong uri ng trabaho.

Larawan ay mula sa Becoming Filipino Facebook Page

Ilang buwan siyang nagsanay kung paano manghuli ng mga isda at kung paano niya ito maibebenta. Pinag-aralan din niya kung paano mamangka at ihanda ang mga kakailanganin sa kaniyang fishpond.

May mga mabubuting tao naman daw ang tumulong sa kaniya. Natuto na rin daw siyang magsalita ng Bisaya na siya namang nakatulong sa kaniya sa pagbebenta ng mga isda sa palengke.

Naranasan din niyang manirahan sa isang barong-barong na malapit sa kaniyang fishpond upang makatipid sa pagbibiyahe. Sa loob ng ilang buwan ay tinitiis niya ang kawalan ng kuryente at walang maayos na patubig.

Larawan ay mula sa Becoming Filipino Facebook Page


Larawan ay mula sa Becoming Filipino Facebook Page

Bagamat nararanasan lahat ito ni Anselm, tiyak na magiging matagumpay rin ang kaniyang negosyo sa tamang panahon dahil sa kaniyang sakripisyo at determinasyon sa buhay.


Source: Becoming Filipino Facebook Page


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.